^

Punto Mo

Sir Juan (82)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, inaba­ngan na ni Nectar si Gringo sa loob ng campus. Gusto niyang makita ang mga kuhang pictures ni Mahinhin na iniutos niya. Sabik siya sa mga bagong pictures ni Mahinhin at iyon ang ipakikita niya kay Sir Juan. Tiyak na maniniwala na si Sir Juan.

Malayo pa ay natanaw na ni Nectar si Gringo. Sinalubong na niya ito. Parang sa tingin niya ay pasuray-suray pa si Gringo. Lasing pa yata ang kumag.

“Gringo!’’ tawag niya.

Nagulat si Gringo sa tawag niya.

Lumapit sa kanya si Gringo.

“Ano Gringo? Nasaan na mga pictures na kuha mo?’’

“Eto na Nec. Nahirapan akong kumuha kagabi. Bawal palang kunan ang mga babae, muntik na akong mabugbog ng mga bouncer. Mabuti na lang napakiusapan ng waiter. Kukunin na nga etong cellphone pero mabuti at naitago ng waiter kaya walang nakuha sa akin. Muntik na ako.’’

“E siguro e basta kuha ka lang nang kuha. Dapat nag-observe ka muna.’’

‘‘Wala namang problema nung una, kuha lang ako nang kuha. Pero ngayon bawal na raw.’’

“O sige, sige, akina ang kuha mo at sabik na ako.’’

Iniabot ni Gringo ang cell phone kay Nectar. Binuksan ni Nectar ang mga files ng photo.

Nakita ni Nectar ang mga bagong kuha.

Pero bigla itong nainis at nagalit.

“Wala namang kakaiba rito! Ano ba ito? Parang gaya rin ng una mong kuha.’’

“Ganyan talaga ang makukunan dun, Nec. Wala nang iba pa.”

“Nasaan ang ipinakukuha ko na naka-sibilyan si Mahinhin?’’

Napakamot sa ulo si Gringo.

‘‘Di ba ang usapan natin, kukunan mo nang naka-maong at naka-shirt si Mahinhin ha­bang pumapasok sa KOLEHI­YALA. Para matibay ang ebi­densiya na siya nga at wala na iba ang naghuhubad sa KOLEHIYALA.’’

“E hindi ko natiyempuhan, Nec. Wala talaga.’’

“Siguro puro beer ang inatupag mo ano? Sumusuray ka pa e.’’

“Meron kasing nagpai-nom na lalaki sa akin. Naging kaibigan ko ang lalaki kaya inom ako nang inom.’’

“Sabi ko na nga ba. Inuna mo ang paglalasing. Sino naman ang lalaking nagpainoim sa’yo.’’

“Nalimutan ko ang name e. Basta lumapit sa akin at sinabi na kung puwedeng maki-share sa table ko. Sabi ko’y sige. Nakikipagkaibigan ba.”

“Naku baka bading ang nakipagkaibigan sa’yo.’’

Nag-isip si Gringo.

“Baka sa kalasingan mo hindi mo namalayang guma-gapang ang kamay.’’

“Hindi bakla ‘yun.’’

“O sige, hindi na kung hindi. Basta ang gusto ko, kunan mo nang nakasibilyan si Mahinhin. Hindi mo makukuha ang premyo kapag hindi mo nagawa ang iniuutos ko.’’

Kakamot-kamot sa ulo si Gringo. (Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO GRINGO

GRINGO

HINDI

KUHA

MAHINHIN

MGA

NEC

SIR JUAN

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with