^

Punto Mo

‘Karibal ko ang aking Anak’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SEAMAN ang kanyang mister kaya siya lang ang nangangalaga sa kanyang nag-iisang anak na babae. Palibhasa ay walang ginagawa, hindi niya napaglabanan ang kaway ng tukso mula sa isang binatang  nagpapalipad-hangin sa kanya simula nang sumakay sa barko ang kanyang asawa. Ang isang gabing pagniniig ay nasundan pa ng maraming beses hanggang  sa ipinasya niyang hiwalayan ang asawa at tuluyan nang makipag-live-in sa kanyang kabit. Ang asawang seaman ay nag-asawang muli at nanirahan sa Amerika.

Ang kanyang anak na babae ay malaking bulas kaya kinse anyos lang ay dalagang-dalaga na ang kabuuan ng katawan. Minsan ay napansin niyang tumataba ito pero habang lumalakad ang mga araw, tiyan lang nito ang patuloy na tumataba. Isang masakit na rebelasyon ang sumambulat sa kanyang kamalayan na halos ikapugto ng kanyang hininga—buntis ang kanyang dalagita at ang ama ay kanyang kinakasama.

Kinontrol niya ang kanyang emosyon. Dapat ay mag-isip siya nang maayos upang ang pagkakamali ay hindi na madugtungan ng isa pang kapalpakan. Tutal ang lahat ng ito ay bunga ng kanyang kahinaan sa tukso, sino siya para magalit sa kanyang anak at kinakasama. Hindi mangyayari ang “chain reaction” na ito kung naging faithful lang siya sa kanyang asawa.

Sinulatan niya ang kanyang ex-husband sa USA. Ipinagtapat niya ang kinakaharap na problema at nagkaroon sila ng pagkakaisa kung paano sosolusyunan ito. Sa kabila ng pagkakaroon ng bagong pamilya, tinulungan siya ng dating asawa na makarating sa Amerika at inihanap siya ng mapapangasawa upang maging permanente na siyang residente doon.

Bago tumungo sa Amerika ay nag-usap sila nang masinsinan ng kanyang kabit at anak. Pinalaya na niya ang kabit matapos itong sumumpa na aalagaan at mamahalin nito ang kanyang anak. Mahal niya ang kabit at napakasakit na anak pa niya ang naging karibal. Ngunit kailangan niyang gamitin ang isip bilang lover at puso bilang ina. Ngayon ay maayos na ang buhay niya sa Amerika. Tahimik at masaya pa rin nagsasama ang kanyang ex-kabit at anak.

AMERIKA

ANAK

ANG

DAPAT

IPINAGTAPAT

ISANG

KANYANG

KINONTROL

MINSAN

NGAYON

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with