^

Punto Mo

Sir Juan (81)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“’YAN ba si Mahinhin, Gringo?’’ tanong ni Sir Juan.

“Opo Sir Johnny, hik! Ipinagtanong ko na rito at yan daw talagah, hik! Tekah at kukunan ko nah, hik.’’

“Hindi ba bawal kunan ang nagsasayaw?’’

“Pasimpleh lang pagkuha ko, hik. Kailangang walang makahalatah!’’

Kinunan nga ni Gringo pero dahil lasing ay nakalantad na ang cell phone na pinangkukuha. Hindi na nag-iingat.

“Kailangang magandah ang anggulo. Um! Um!’’

Si Sir Juan ang natatakot sa ginagawa ni Gringo. Baka pati siya ay masabit.

May naisip siyang paraan.

“Punta muna ako sa comfort room, Gringo.’’

“Sige Sir. Kukunan ko pah si Mahinhin, hik!’’

Tinungo ni Sir Juan ang comfort room. Umihi siya. Pero tinagalan niya ang pag-ihi. Kailangang pagbalik niya ay tapos nang kumuha si Gringo. Baka mapasabit pa siya kapag sinita ito sa ginagawang pagkuha. Ang alam niya, bawal ang pagkuha sa mga babaing nagsasayaw.

Makaraan ang limang minuto ay pinasya ni Sir Juan na bumalik sa mesa. Tapos na marahil si Gringo sa ginagawa.

Pero pagbalik niya, wala na si Gringo.

Takang-taka siya.

Nilapitan siya ng waiter na nag-aasikaso sa kanya.

“Nasaan si Gringo?’’

“Sir inilabas ko na. Delikadong mahuli ng mga security namin. Bawal kasi ang ginagawang pagkuha. Mabuti at nakinig sa akin.’’

“Ganun ba? Mabuti at napakiusapan mo.’’

“Ayaw pa nga sana kaya lang tinakot ko na.’’

“Mabuti naman at ganun ang naisip mo.’’

“Kawawa naman Sir kapag binugbog.’’

“’Yung cell phone dala niya.’’

“Yes Sir. Maraming kuha sa babaing nagsasayaw.’’

“Sige kunin ko na ang bill ng nainom namin.’’

“Okey Sir. Sandali lang.’’

Nang bumalik ang waiter, dala na ang bill. Binayaran ni Sir Juan.

“Sobra yan, sa iyo na.”

“Salamat po. Babalik ka uli Sir?’’

“Oo. Mayroon pa akong hahanapin dito.” (Itutuloy)

ACIRC

ANG

GRINGO

KAILANGANG

MAHINHIN

OKEY SIR. SANDALI

OPO SIR JOHNNY

PERO

SI SIR JUAN

SIR

SIR JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with