^

Punto Mo

EDITORYAL - Marami pa rin ang hindi na natuto

Pang-masa

SABI ng Department of Health (DOH),  mas ka­kaunti ang nadisgrasya sa paputok ngayon kumpara sa mga nakaraang pagsalubong sa Bagong Taon. Ayon sa DOH, nasa 384 na kaso dulot ng firecrackers ang naitala at apat sa mga tinamaan ng ligaw na bala. Mababa anila ito ng 53 percent kumpara sa nakaraang taon. Pinakamababa pa rin anila sa nakalipas na limang taon. Natutuwa umano ang DOH sapagkat mababa ang mga nabiktima ng papu­tok. Bunga anila ito ng matinding kampanya ng DOH laban sa mga ipinagbabawal na paputok at ganundin sa pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) na masamsam ang mga illegal na paputok. Nakatulong din anila ang makulimlim na panahon at pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kaya kaunti ang nagpaputok at walang gaanong nasugatan.

Nakatutuwang malaman na mas kakaunti ang nasugatan ngayon kumpara sa mga nakaraang selebras-yon pero mas lalong ikasisiya nang marami kung walang maitatalang nasugatan. Kung tutuusin, marami pa rin ang 384 na kaso na nasugatan dahil sa paputok. Marami pa rin ang hindi natuto at walang kadala-dala sa mga nangyari nang insidente na naputukan.

Kadalasang ang piccolo ang dahilan kaya may mga nasabugan sa kamay dahilan para maputol ang mga daliri. Pawang mga bata ang nabiktima ng piccolo. Maraming magulang ang naging pabaya kaya nadisgrasya sa piccolo ang kanilang mga anak.

May mga matatanda rin na hindi natuto kaya namatay dahil sa paputok. Gaya ng isang lalaki sa Sta. Mesa, Manila na dahil sa kalasingan ay niyakap pa ang may sinding higanteng firecracker na “Goodbye Philippines”.  Sumabog sa mukha niya ang paputok. Namatay agad ang lalaki.

Isa pang lalaki ang naputulan ng binti nang matapakan ang “Goodbye Philippines” at sumabog. Kailangang putulin ang binti sapagkat grabeng napinsala.

Marami pa rin ang hindi natuto. Taun-taon ay ipinaaalala na mag-ingat sa paputok pero hindi ginagawa. Kailangan na talagang paigtingin ang kampanya laban sa mga pinagbabawal na paputok para matiyak na walang mapapahamak. Samsamin lahat ang mga ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

BUNGA

DEPARTMENT OF HEALTH

GOODBYE PHILIPPINES

MARAMI

MGA

PAPUTOK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with