Pag- asa ng Pinoy sa 2016
HALOS 90 porsiyento o mayorya ng mga Pilipino ay punumpuno ng pag-asa o positibong pananaw sa pagpasok ng 2016.
Ito ay lumabas sa resulta ng survey na nagpapakita na ang mga Pilipino ay hindi pa rin nawawalan ng pag asa sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa.
Kahit pa dumaranas nang matinding kahirapan ang mga Pilipino ay hindi alintana dahil sa positibong pananaw.
Pero ang mga ganitong eksena ay paulit ulit na lang dahil halos sa tuwing papasok ng bagong taon ay positibo ang pananaw pero laging bigo ang mga Pilipino dahil sa kapalpakan ng gobyerno.
Sana naman ang gobyerno ay makagawa ng paraan na ang positibong pananaw ng mga Pilipino ay huwag maglaho at gawin ang mga makabubuti sa bansa.
Ang nakakatakot kasi kung mawalan na ng pag -sa ang mga Pilipino ay tiyak na wala ng mangyyari sa Pilipinas at lalong malugmok sa kahirapan.
Sa pagpasok ng 2016, may pagkakataon tayong lahat na baguhin ang sistema sa gobyerno sa pamamagitan ng pagboto sa mga matitinong kandidato.
Unang-una ay pumili tayo ng matinong kandidato bilang pangulo ng bansa hanggang sa lokal na pamahalaan at ito ang maaring simula ng pagbabago at tumibay ang pag-asa ng mga pilipino.
Itakwil na natin ang mga pulitkong nagsasamantala lang sa pondo ng bayan na uubos sa positibong pag-asa ng mga Pilipino.
Ngayong 2016 elections ay iparamdam nating lahat ang nais na pagbabago sa gobyerno sa pamamagitan ng paghalal ng matitinong kandidato para matupad ang ating mga pangarap na maibsan ang kahirapan at napakaraming problema sa bansa.
- Latest