^

Punto Mo

5 Toxic Thoughts… na hadlang sa iyong tagumpay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Lagi mong iniisip na ikaw ay biktima. Walang biktima. Walang dapat sisihin sa mga nangyayari sa iyong buhay. Ikaw lang ang umuukit ng sarili mong kapalaran.

2. Iniisip mong mapagbabago mo ang isang tao. Hindi totoo ‘yan. Ito ang madalas na pagkakamali ng ibang tao—akala nila ay may magic wand sila na makapagpapabago ng ugali ng tao. Ang katotohanan, sarili lang nila ang makapagpapabago sa kanila. Kung hindi mo kayang pakisamahan ang bad attitude nila, then, go. Leave them alone.

3. Iniisip mo lagi na mas sariwa ang damo sa kabilang bakod. Iniisip mong sana ay kasing ganda ka ng inyong class muse. ‘Yung crush mo kasi, sa kanya may gusto. Lumipas ang maraming taon, nagkita kayo ng class muse. Mas maganda ka na kaysa kanya. Kasi nagsikap ka at nagtagumpay sa buhay. Tandaan mo, hindi lang plastic surgery ang nagpapaganda sa tao, nagpapaganda rin ang tagumpay at masayang buhay. Ang class muse n’yo at si Crush mo nagkatuluyan. Pero naging drug pusher si Crush. Pumangit na ang class muse sa sobrang dami ng problema. So, hindi pala sariwa ang damo sa kabilang bakod. Appreciate the grass you have. It’s your grass. So love it.

4. May pakiramdam ka na kailangan mong patunayan sa ibang tao na tama ka. Bawat tao ay may kanya-kanyang opinyon. At kadalasan, ang paniwala nila ay kontra sa paniwala mo. So its useless na makipagtalo.

5. Natatakot sa kanyang magiging “future” dahil hindi siya nakahanda. Bakit mo katatakutan ang hindi pa dumarating. Para maging sigurado ang kinabukasan, gawin mong mabunga at kapaki-pakinabang ang iyong kasalukuyan.

ACIRC

ANG

BAKIT

BAWAT

HINDI

IKAW

INIISIP

ITO

QUOT

STRONG

WALANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with