Indiscriminate firing, bigatan ang parusa
NGAYONG holiday season, dapat na maging mapagbantay ang lahat sa pangunguna ng mga otoridad at mamamayan laban sa indiscrimante firing.
Halos taun-taon na lang ay may insidente ng indiscriminate firing na pumapatay ng inosenteng mamamayan.
Dahil sa makabagong teknolohiya ay mas magiging madali na ang pagbabantay ngayon ng kahit sinuman.
Kapag may nakitang magpapaputok ng baril ay agad kunan ng video at maaring ipagbigay-alam sa mga otoridad.
Sa bawat komunidad, alam naman ang lahat kung sino ang nag-aari ng baril na may posibilidad na magpaputok.
Sa ngayon kasi, tanging mga pulis at sundalo lang ang binabantayan at hinigpitan sa pagpapaputok ng baril. Sinelyuhan na ang kanilang baril upang hindi magamit sa indiscriminate firing.
Pero ang mga sibilyan na may lisensiyadong baril at yung walang lisensiya ay hindi nababantayan.
Ito ay maaring maimbestigahan na lang kung mahuhuli sa akto o may testigo na nagpaputok ito ng baril.
Hindi sapat ang paulit-ulit na lang ang paalala ng gobyerno kaya kailangang ang mamamayan mismo ang magmatyag upang mahuli ang lalabag dito at mapatawan ng karampatang parusa.
Sa mga may ari ng baril -- militar, pulis man o sibilyan ay mag-isip na mabuti at makonsensiya upang wala nang mabiktima ng indiscriminate firing.
Happy holidays sa lahat.
- Latest