^

Punto Mo

Sir Juan (71)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAKIRAMDAM ni Sir Juan ay yumayanig ang paligid dahil sa lakas ng maharot na tugtog. Baka epekto lamang ng nasimsim niyang beer. Madali siyang talaban ng alak. Hindi kasi siya sanay uminom. Ngayon lang uli siya nakatikim ng beer. Ang huling inom niya ay noong nakipagkita siya sa dating classmate sa college. Isang bote lang ang nainom niya.

Ngayon ay nagwawating-wating na ang tingin niya. Pero masarap sa pakiramdam niya. May hatid na init.

Nang sulyapan niya ang tatlong babaing nagsasayaw sa stage ay nagulat siya sapagkat kung anu-anong posisyon na ang ginagawa ng mga ito. May nakahiga at nakataas ang mga tuhod. Nagkandahaba ang mga leeg ng nakaupo sa mesa at sinisilip ang nasa pagitan ng mga hita.

Ang isa naman ay nakatalikod sa audience at unti-unting yumuyuko. Hanggang sa makita ang “nakatagong hiyas”. Lalong humaba ang leeg at lumuwa ang mga mata ng lalaking nanonood. Gustong makita ang lalim nang nakatago.

Ang ikatlong babae ay pa-tumbling-tumbling lang. Balewala ang pagsirku-sirko.

Pinagmasdan ni Sir Juan kung isa sa mga babae si Mahinhin. Wala. Kilala niya si Mahinhin. Mayroon siyang palatandaan kay Mahinhin kaya madali niyang makikilala.

Mayroong nunal si Mahinhin sa balikat. Maitim na maitim ang nunal. Nakita niya ang nunal noong bigla siyang pumasok sa kuwarto nito. Katitira lamang ni Mahinhin sa boarding house noon. Pagpasok niya sa kuwarto, nagbibihis si Mahinhin. Nakapanty lang ito. Nasapol niya ang nunal sa balikat nito. Nag-sorry siya kay Mahinhin. Tinanggap naman ni Mahinhin ang sorry niya. Hindi naman talaga niya sinasadya ang pagpasok.

Hanggang mamatay ang ilaw. Nang magbukas ang ilaw, wala na ang tatlong babae. Inubos niya ang beer. Mapait na ang huling patak.

Hanggang makita niya ang lalaking crew sa di-kalayuan. Kinawayan niya.

“Sir may kaila­ngan ka po ba?’’

“Bigyan mo pa ako ng isang beer. ‘Yung malamig ha.’’

“Opo Sir. ‘Yun lang po ba?’’

‘‘Bigyan mo ako ng crispy pusit o calamares.’’

“Opo Sir. Sandali lang po.’’

Habang hinihintay ang order ay iginala ni Sir Juan ang paningin sa paligid.

Nasaan kaya si Mahinhin? Paano niya makikita? Hindi kaya lumipat na ito ng ibang pinagsasa­yawang club?

Maya-maya ay dumating na ang crew. Dala ang order niya. Ibinaba sa mesa.

“Kumpleto na po Sir,’’ sabi ng waiter.

“Okey. Thanks. Siyanga pala, mayroon ka bang kilalang Mahinhin dito. Dancer din.’’

‘‘Mahinhin? Wala po akong kilalang Mahinhin, Sir. Kasi nagpapalit ng pangalan ang mga dancer dito.’’

“Ah ganun ba?’’

“Meron na ring nagtanong sa akin ng pangalang ‘yan noon. Tapos may kinunan siya ng picture habang nagsasayaw. Iyon yata raw ang hinahanap niya.’’

‘‘Talaga? Anong oras magsasayaw ang babaing kinunan ng picture?”

“Ngayon na po. Baka ‘yan po ang hinahanap mo. Yan po ang star of the night.’’

“Okey. Baka nga ito na.’’

Maya-maya pa, nagpalit-palit ang ilaw at naging maharot ang music. Lumabas na ang isang babae. Maganda. Umiindayog ang katawan.

Titig na titig si Sir Juan. Si Mahinhina na kaya ito?

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

BIGYAN

HANGGANG

MAHINHIN

MGA

NANG

NGAYON

NIYA

SIR

SIR JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with