‘Tips kontra holiday heart syndrome!’
ISA sa mga pinakamasaya at pinakatampok na selebrasyon ng taon sa Pilipinas ang Pasko.
Kabi-kabila ang mga handaan at okasyon. Lahat abala sa mga kasiyahan.
Ito rin ang panahon kung kailan ang mga tao wala nang masyadong pakialam sa kanilang kalusugan partikular sa kanilang mga kinakain.
Nitong mga nakaraang araw, naglabas ng All Points Bulletin ang Department of Health (DOH), Philippine College of Physicians (PCP) at mga cardiologist hinggil sa holiday heart syndrome.
Ito ‘yung mga insidente ng atake sa puso sanhi ng high blood pressure, sobrang pagkain ng mga matatamis, matataba at maaalat na pagkain at iba pang heart-related ailment.
Payo ng mga dalubhasang doctor, kumain ng mas maraming gulay, prutas at uminom ng maraming tubig ngayong kasagsagan ng mga handaan.
Sa estatistika ng mga dalubhasa, tumataas ang bilang ng mga isinusugod sa ospital tuwing Disyembre.
Subalit, sa ganitong buwan din kadalasang umaalis at nagbabakasyon ang mga magagaling at beteranong doktor sa mga pagamutan.
Gayunpaman, nananatiling nakataas sa white alert ang mga ospital, pero mga bagito at baguhang doktor lang ang madalas na naiiwan.
Tulad ng taun-taong All Points Bulletin ng mga dalubhasang doktor at BITAG sa publiko tuwing kapaskuhan, maging maingat sa inyong mga kinakain.
Mabuting kumunsulta agad sa mga doktor kapag may mga kakaibang nararamdaman sa inyong katawan.
Kasabay ng pagiging maingat sa inyong mga kinakain, iminumungkahi rin ang pag-eehersisyo upang maiwasan ang pag-atake ng holiday heart syndrome.
Mag-ingat, mag-ingat!
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest