^

Punto Mo

Mar Roxas, dapat magpakatotoo

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SA pinakahuling survey ng Pulse Asia ay nakabangon si Vice President Jejomar Binay matapos na manguna ito sa survey na nais iboto bilang susunod na presidente.

Sa survey ng Pulse Asia mula December 4-11 ay nanguna si Binay na nakakuha ng 33 percent at sinundan ni Davao City mayor Rodrigo Duterte, 23 percent; Grace Poe, 21 percent at Mar Roxas, 17 percent.

Simula nang magdeklara si Roxas sa kanyang ambisyon na ma-ging presidente ay hindi pa ito nanguna sa mga survey at kadalasan ay kulelat.

Si Binay ay muling nakabangon matapos na durugin sa pamamagitan ng mga alegasyon ng katiwalian.

Si Poe naman ay biglang bumagsak sa survey dahil sa pagdiskuwalipika o pagkansela ng kanyang certificate of candidacy (CoC) ng Comelec.

Kahit pa sangkaterba ng advertisement ni Roxas ay tila wala itong epekto sa publiko at nananatiling hindi popular sa mga botante.

Nagpapalakas pa ng loob si Roxas na ang tunay na eleksiyon ay sa May 9, 2016 at maaring doon siya manguna.

Pero ito ay isang panaginip lang ni Roxas at baka siya bangungutin sa tunay na resulta ng eleksiyon.

Simple lang naman ang dapat gawin ni Roxas, palitan ang kanyang mga alepores na mali ang ibinibigay na diskarte at estratehiya at pilit na ginagawang mahirap ang imahe nito para kaawaan at makakuha ng simpatya sa masa.

Pero alam naman ng lahat ay anak mayaman si Roxas at wala naman masama kung ipinanganak siyang mayaman dahil sa kanyang mga magulang kung kaya dapat na itong pangatawanan.

Hindi naman nangangahulugan na kapag mayaman ay malabong maging presidente dahil ang nais ng taumbayan ay ang platapormang makatotohanan at may sensiridad sa panunungkulan.

ANG

DAVAO CITY

GRACE POE

MAR ROXAS

PERO

PULSE ASIA

RODRIGO DUTERTE

ROXAS

SI BINAY

SI POE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with