^

Punto Mo

EDITORYAL – Sampolan ang mga walanghiyang taxi driver

Pang-masa

KAHIT hindi Christmas season ay may mga isnaberong taxi driver. Sila yung mga taxi driver na ayaw magsakay ng pasahero kapag malayo at matrapik ang pupuntahan. Karamihan sa kanila ay yung mga umiikut-ikot sa mga mall at nag-aabang ng pasahero – pero pinipili lang nila ang isasakay. Kapag malapit at walang trapik, go-go sila. Pero kapag malayo at matrapik ang lugar, tinatanggihan nila. May mga pagkakataong nakaupo na ang pasahero pero pabababain ng “walanghiyang” driver at sasabi-hing malayo at matrapik ang lugar. Ang kawawang pasahero, walang magawa kundi bumaba. Hindi na nakikipagtalo sa “walanghiyang” taxi driver.

Kahapon, sa report ng TV Patrol, isang walanghiyang taxi driver ang nakatapat ng isang matapang na pasahero na hindi bumaba kahit na pinabababa ng walanghiyang driver. Ang pasaherong lalaki ay galing sa Quezon City at nagpapahatid sa Maynila. Nakaupo na ang lalaki pero sinabi ng walanghiyang taxi driver na masyadong matrapik sa Maynila. Pero hindi natakot ang pasahero. Nanatili siya sa upuan. Kahit pa sinabi ng driver na bumaba siya hindi niya ginawa. Nanatili siya sa pagkakaupo.

Nang hindi siya bumaba, pinaharurot ng driver ang taxi at sabi pa dadalhin na lang siya sa garahe nito sa Pasig.

Sa puntong iyon nagpakilala ang lalaki na isang agent ng National Bureau of Investigation (NBI). Pero kahit nagpakilala, balewala sa driver. Ano raw ngayon kung NBI ang lalaki.

Dinala pa rin ang lalaki sa garahe sa Pasig at doon na nagsimula ang delubyo sa lalaki. Nagbanta ang NBI agent na kakasuhan ang driver ng kidnapping. Walang nagawa ang walanghiyang driver kundi ihatid ang NBI agent pero sa headquarters na siya pinaderetso. Sinampahan ng patung-patong na kaso ang walanghiyang driver. Marami siyang haharaping kaso dahil sa kawalanghiyaan.

Sabi ng NBI agent, paano raw kung karaniwang pasahero lang ang nakatapat ng driver e wala lang.

Dapat umaksiyon ang LTFRB sa pangyayaring ito at sila mismo ang dumakma sa marami pang walanghiyang taxi driver. Kung kami ang LTFRB chairman, magkukunwari kaming pasahero at da-dakmain ang mga walanghiyang taxi driver.

ANG

DRIVER

MAYNILA

NANATILI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAHERO

PASIG

PERO

QUEZON CITY

TAXI

WALANGHIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with