Ang Bibliya ni Lola
SI Joseph Stalin ay naging lider ng Soviet Union mula 1924 hanggang 1953. Isa siyang malupit na diktador kaya’t ipinakulong niya ang mga mamamayang nabisto nilang Kristiyano. Ang mga Kristiyano ay itinuturing nilang kaaway ng estado. Libo-libong bibliya ang kinumpiska ng mga tauhan ni Stalin sa Stravropol, Russia.
Noong 1994, makaraan ang 60 taon, isang grupo ng mga Christian missionaries ay nagtungo sa Stravropol dahil nakatanggap sila ng tip na may natagpuan daw mga lumang bibliya sa isang bodega doon. Ipinalagay ng mga misyonaryo na iyon ang mga bibliyang kinumpiska mula sa mga ikinulong na Kristiyano noong panahon ni Stalin. Binigyan naman ng permiso ng lokal na opisyal ang mga misyonaryo na hakutin ng trak ang mga natuklasang lumang bibliya. Mga lalaking taga-Stravropol ang binayaran para tumulong sa paghahakot ng bibliya. Isa sa mga lalaking binayaran para maghakot ay medyo asar sa mga Kristiyano kaya’t binalak niyang nakawin ang ilang piraso ng bibliya para sirain at sunugin.
Nang mailipat ang lahat ng bibliya sa trak, nakita nila ang lalaki sa isang sulok ng bodega na humahagulgol nang iyak habang yakap-yakap nito ang isang bibliya. Kaya pala. Isa sa nadampot niyang bibliya na dapat sana’y kanyang susunugin ay bibliya pala ng kanyang lola. May malaking pangalan sa bibliya with matching pirma pa ng lola. Ang kanyang lola ay isa sa binitay dahil sa pag-iingat ng bibliya. Nasa pag-iingat na ngayon ng lalaki ang bibliya ng kanyang lola at iyon ang kanyang binabasa araw-araw.
- Latest