^

Punto Mo

Gen. Nana: ‘Promotion o pitsa?’

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

KUMUKUTI-KUTITAP ang reputasyon ni MPD director Chief Supt. Rolando Nana dahil sa pagsara niya ng mga peryahan ni alyas Marissa, lalo na ‘yung nasa ilalim ng tulay sa Quiapo, Manila. Napatunayan lang ni Nana na hindi lang puro pitsa ang nasa isipan niya kundi trabaho rin pag may time. Hindi lang sa Quiapo ang color games at drop ball ang peryahan ni Marissa ang sarado kundi maging ang sa R-10 sa Moriones, Tondo. Ang nasa Baseco sa Port Area naman ay gerilya ang operation ng drop ball at color games, na hindi mapigilan ni Supt. Albert Barot, ang hepe ng MPD Station 5. Naisahan ni Marissa si Barot?

Kudos kay Gen. Nana! Subalit kung gumaganda ang reputasyon ni  Nana, bumabaho naman ang reputasyon ni Sr. Supt. Ernesto Barlam, ang hepe ng Makati police, dahil sa hanggang sa ngayon, bukas pa ang drop ball at color games sa peryahan ni Dandan at asawang si Marissa sa PRC, sa Pasong Tamo. Ang ipinangalandakan ng mga poste ng peryahan ay ang pangalan ni Barlam at ang kay Sr. Insp. Ferdie Satorre, ang hepe ng Intelligence Unit ng Makati police. Ano sa tingin mo Boy Reyes Sir? Punyeta! Puro pitsa na lang ang lakad ni Barlam at mga bataan n’ya, di ba mga kosa? Hehehe! Hindi na nakuntento sina Barlam at Satorre sa P30,000 weekly nila sa towing operations sa Osmeña Highway, no mga kosa? Tumpak!

Sa ngayon, kung sinu-sinong Herodes na ang tinatawagan at nilalapitan ni alyas Marissa para mapabuksan na muli ang mga puwesto niya sa Maynila. Nagmamakaawa siya na payagan silang mag-operate ng amo niya na si Roy Atienza hanggang sa kapistahan ng Quiapo, na sikat sa tawag na Black Nazarene, sa Enero 9. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Sa totoo lang, sugal ang inaalok ng drop ball at color game ni Marissa. Kung may anim na kulay ang dice na gamit ni Marissa sa color game, ang maliwanag dito lima ang sa kanya at sa mananaya ay nag-iisa. Kung dalawang ang dice na gamit ibig sabihin dalawa ang kulay ng mananaya para manalo siya, samantalang sampung kulay ang kay Marissa. Eh paano kung tatlong dice ang gamit? Eh di lalong bumaba ang porsiyento ng mananalo, di ba mga kosa? Sa ngayon, paano naman dapat kaawaan itong si Marissa eh maliwanag na niluluto n’ya sa sariling mantika ang mga parukyano n’ya? Punyeta! Dapat lang talaga na maipasara na ang mga peryahan ni Marissa sa Maynila, di ba mga kosa?

Hindi lang naman kasi mga pulis ang nakikinabang kay Marissa kundi maging ang kasamahan ko sa media. Siyempre, noong hindi pa nabibigyan ng pansin itong mga peryahan ni Marissa, mini-menos niya ang mga umuorbit na pulis at media sa mga puwesto niya. Kadalasan pa, kapag mainit ang ulo ni Marissa, pinagagalitan niya ang mga umuorbit sa mga puwesto niya at ang palaging hamon ay ipasara na lang ang peryahan niya. Sa ngayon na sarado ang peryahan niya, biglang bumait si Marissa at lilinawin ko sa kanya na wala akong “bata.” At wala na rin akong galit sa inyo at umaakto lang ako sa reklamo na ipinararating sa akin ng mga “naiinggit” sa buwenas mo. Punyeta! ‘Wag na kayong magtawag kahit kanino dahil sayang lang ang laway at gagastusin n’yo.

Sinabi ng mga kosa ko, na ang balak pala ni Marissa ay sosolohin ang ilegal na negosyo ng peryahan sa Maynila dahil “close” siya sa mga tauhan ni Nana. Pero sa pagsara ng puwesto n’ya sa Quiapo, napatunayan lang ni Nana na hindi siya nasisilaw sa pitsa ni Marissa, di ba mga kosa? May nakapagbulong naman sa mga kosa ko na may balak pa si Marissa na magbukas ng isa pang puwesto sa Bustillos kaya tingnan natin kung ano ang kalalabasan nito. Isang malaking hamon itong mga peryahan ni Marissa sa liderato ni Nana at kapag nalampasan niya ito, t’yak mapremyuhan siya ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez ng puwesto na regional director o RD, di ba mga kosa? Ang tanong ko kay Gen. Nana, “promotion o pitsa?” Abangan!

ACIRC

ANG

BARLAM

KOSA

LANG

MARISSA

MAYNILA

MGA

NANA

NIYA

PERYAHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with