^

Punto Mo

Mapanganib na paputok at ang indiscriminate firing, tutukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ilang araw bago magtapos ang taon ay nagbabala na ang mga awtoridad at mga kinauukulan patungkol sa mga mapanganib na paputok  at maging sa walang kapararakang  pagpapaputok ng baril ng ilang mga pasaway.

Layunin nito na maging ligtas at payapa ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Kaya nga ngayon pa lang kontodo na ang operasyon ng mga awtoridad laban sa mga nagbebenta ng naglalakasang paputok na madalas na nagsasanhi ng mga disgrasya sa marami nating kababayan.

Sa kabila nito, ngayon pa lang marami talaga ang matitigas ang ulo, hindi pa man pumapasok ang buwan ng Disyembre  may ilan na ang sige sa paggamit ng paputok .

Ayun maagang nadidisgrasya .

Matitigas ang ulo.

Pero ang mas kinatatakutan sa tuwing magdiriwang ng Bagong Taon ay ang tungkol sa indiscriminate firing.

Kaya nga tulad sa mga paputok, ngayon pa lang sa bawat distrito ng pulisya, partikular sa Metro Manila ay nilagyan na ng ‘busal’ ang mga service firearm ng kanilang mga tauhan.

Pero hindi lang naman mga pulis at militar ang humahawak ng mga baril, may ilan ding mga sibilyan ang meron nito. Ang mas nakakabahala ay yung mga baril na hindi rehistrado o hindi lisensiyado dahil mahirap matunton sakaling makadisgrasya.

Kung napakadelikado ng paputok, mas delikadong maituturing ang ganitong mga indiscrimante firing.

Sa paputok, kadalasan ang matigas na ulo na siyang gumagamit ang nadidisgrasya.

Sa indiscrimante firing ang walang kamalay-malay na biktima ang posibleng sumalo sa balang pinakawalan ng iba.

Sana naman ay magung responsae angga gun owner  patungkol dito.

Dapat matuto na sa mga pangyayari sa nakaraan, sana hindi na maulit ang marami ang nadidisgrasya  dahil sa kakulitan at katigasan ng ulo, sana rin wala nang buhay ang mabuwis dahil sa walang kapararakan pagpapaputok ng baril.

Ito ang dapat na masusing mamonitor ng hindi lang ng kapulisan kundiaging sa mga opisyal ng barangay na siyang lalong nakakakilala sa kanilang mga nasasakupan. Monitor naman nila kung sino ang madalas na magyabang dyan ng hawak nilang mga baril, aba’y yon ang  dapat na matutukan.

ANG

AYUN

BAGONG TAON

DAPAT

DISYEMBRE

HINDI

ILANG

KAYA

METRO MANILA

MGA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with