^

Punto Mo

Aso sa Seattle, bumibiyaheng mag-isa matapos matutuhan ang pagsakay sa bus

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aso sa Seattle ang sikat na sa milyun-milyong pasahero ng mga pampublikong sasakyan doon dahil maru­nong itong sumakay ng bus at bumaba sa lugar na kanyang pupuntahan.

Ang aso ay ang dalawang taong gulang na black Labrador na si Eclipse at kilala na siya ng mga drayber ng bus sa lugar. Kahit karaniwan nang hindi pinahihintulutan ang mga hayop sa loob ng bus ay okay lang sa kanila dahil kahit ang mga pasahero ay natutuwa kay Eclipse sa tuwing siya ay sumasakay ng bus mag-isa.

Ang amo ni Eclipse na si Jeff Young ay nakatira malapit sa bus stop kaya nasanay ang aso sa pagsakay sa bus. Kahit kasama si Jeff ay iniiwanan pa rin siya ni Eclipse at sumasakay ito sa bus mag-isa kapag hindi ito makapaghintay na maubos ng kanyang amo ang kanyang hinihithit na sigarilyo. Kabisado naman ni Eclipse kung saan kailangang bumaba kaya sa mga ganoong pagkakataon ay nagkikita na lamang ang mag-amo sa parke na paboritong pasyalan ng aso.

Gusto namang ipaalala ng mga kinauukulan sa Seattle na bagamat nakakatuwang may asong nag-eenjoy sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan ay kailangan pa rin na nakatali ito at may kasamang amo pagsakay sa mga bus. Hindi naman bawal ang mga alagang hayop sa mga pampublikong sasakyan basta hindi makakagulo ang mga ito sa ibang mga sumasakay.

Hindi si Eclipse ang unang hayop na natutong sumakay ng mga pampublikong mga sasakyan dahil napabalita na dati na natuto na rin mag-commute ang mga asong kalye sa Moscow, Russia sa pamamagitan ng pagsakay sa mga tren doon.

vuukle comment

ACIRC

AMO

ANG

BUS

ECLIPSE

HINDI

ITO

JEFF YOUNG

KABISADO

KAHIT

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with