^

Punto Mo

EDITORYAL – Wala munang paghuhukay sa EDSA atbp. mga kalsada

Pang-masa

KAHAPON ng umaga, sa kabila na makulimlim ang panahon sa Metro Manila dahil sa bagyong ‘‘Nona’’, hindi ito naging dahilan para lumuwag ang trapiko. Dusa na naman ang mga pasahero at motorista sapagkat walang galawan ang mga sasakyan sa EDSA, Quezon Avenue, North EDSA, Balintawak, C3, C5, Taft Avenue, Roxas Boulevard, Buendia, at mga kalsada sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nagmistulang parking lot ang EDSA sa dami ng sasakyang hindi umuusad. Mula North EDSA hanggang Makati ay inaabot na ng tatlong oras. Dati dalawang oras lamang ang travel time pero ngayon ay humaba na. Walang magawa ang mga pasahero kundi ang mapabuntunghininga sa tagal nang kanilang biyahe. Naubos na ang kanilang oras sa trapik.

Habang palubha nang palubha ang trapik, hindi naman nagkakaroon ng koordinasyon ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Highway Patrol Group sa pagsasaayos ng trapiko. May mga inaalis na U-Turn slot at may inilalagay na traffic light ang MMDA pero hindi nalalaman ng HPG. Noong nakaraang linggo, inalis ang traffic light sa Quezon Avenue corner EDSA at ang resulta, buhul-buhol na trapiko. Hindi nagkaroon nang malinaw na koordinasyon ang dalawang traffic group kaya nagdulot nang problema.

Maganda naman ang ginawa ng MMDA na binawalan ang mga paghuhukay, pagsasaayos at paglalagay ng drainage sa mga kalsada sa Metro Manila. Ito ang nakitang solusyon sa matinding trapik. Tatagal ang pagbabawal sa road projects hanggang Enero 3, 2016.

Dapat namang nilinaw ng MMDA kung bawal ang mga paghuhukay ng dalawang water companies na nagpapasikip sa trapiko. Nakikipagsabayan sa paghuhukay ang mga kompanya ng tubig sa DPWH kaya lumulubha ang trapiko.

Nararapat namang ipagpatuloy ng MMDA ang pagwasak sa mga nakaharang sa kalsada. Gibain ang basketball court, car wash, karinderya at marami pang iba na nagdudulot sa pagsisikip ng trapiko.

ANG

BALINTAWAK

HIGHWAY PATROL GROUP

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

MULA NORTH

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

QUEZON AVENUE

ROXAS BOULEVARD

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with