^

Punto Mo

Sir Juan (56)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PROBLEMADO si Sir Juan sa mga natuklasan kay Mahinhin. Kung buhay ang kanyang inang si Aling Encar ay tiyak na gagawa agad ito ng hakbang para mapaalis sa kanilang boarding house. Mabait at matulungin ang kanyang ina pero ayaw nito ng sinungaling at gumagawa ng malaswa. Prangka ang kanyang ina sa mga taong naglulubid ng buhangin. At siya ay hindi kasing prangka ng kanyang ina. Hindi niya alam ang gagawin para makausap si Mahinhin at tanungin ukol sa ginagawa nitong kalaswaan sa KOLEHIYALA. Hindi niya kayang komprontahin si Mahinhin. Torpe nga siya sa babae. Wala siyang lakas ng loob na itanong dito kung bakit ang paghuhubad ang naisip pasukan gayung may mga desente namang trabaho. Bakit kailangang ibuyangyang niya ang hindi dapat?

Makalipas pa ang isang araw at wala pa ring maisip na paraan si Sir Juan kung paano lalapitan si Mahinhin para tanungin.

Palakad-lakad siya sa salas ng boarding house.

Hanggang makita siya ni Nectar at tinanong siya ukol kay Mahinhin.

“Nagpasya ka na ba Sir Juan? Kailan mo paaalisin ang nude dancer?’’

“Wala pa akong naiisip na paraan, Nectar. Gusto ko muna siyang makausap para malaman ang dahilan at nagawa niya iyon.”

“Bakit kailangan mo pang kausapin, dapat prankahin mo na, Sir Juan.’’

“Naghihintay pa ako nang tamang oras, Nectar.’’

Napailing-iling si Nectar.

“Hindi na dapat siya pinatatagal dito. Masamang impluwensiya,’’ sabi nito.

“Kailangang makausap ko muna siya,” sabi ni Sir Juan.

Pero iba ang naglalaro sa isipan ni Nectar. Uunahan niya si Sir Juan. Ipakikita niya kay Mahinhin mismo ang mga nude picture niya. Siguradong sa pagkapahiya niya ay lalayas na agad siya! Ha-ha-ha!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALING ENCAR

ANG

BAKIT

HANGGANG

IPAKIKITA

MAHINHIN

NIYA

SIR JUAN

SIYA

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with