^

Punto Mo

Kontrabando sa Bilibid, hindi maubos- ubos

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Anim na prison guard sa New Bilibid Prison ang isinasailalim umano sa imbestigasyon.

Ito ay matapos ang panibagaong ’Oplan Galugad’ na isinagawa kahapon sa naturang piitan kung saan muling nakakuha ng mga kontrabando kabilang ang mga armas, patalim, ilegal na droga at mga appliances at iba pa.

Nakailang ulit nang sinasalakay ang mga selda sa naturang piitan, ang katunayan ito na ang ika-pitong paggalugad at hindi na yata matapos-tapus ang mga nasasamsam na mga kontrabandong ito.

Mistulang paulit-ulit na lang ang nangyayari.

Baka naman ito at ito rin ang mga nasasamsam sa mga nauna nang pagsalakay.

Sa unang isinagawang ‘Oplan Galugad’, mistulang  sa maximum security compound sangkaterbang mga baril at mga bala ang nasamsam na nakabaon mismo sa loob ng mga selda?

Sa mga nasamsam na armas, mistulang may armory na ang mga preso sa loob, ang tanong nga ng marami, bakit nagkakaganito?

At bakit hindi maubos-ubos?

Mahigpit nga ba o sobrang luwag ng seguridad sa pambansang piitan kaya naipapasok ang mga ito.

Ang mas nakakaalarma rito, sa dami ng armas ng mga preso sa loob gaya ng nakumpiska, na tila nga mas marami pa kaysa sa mga prison guard, eh baka nga dumating ang araw mga preso na ang bantay sa loob at sila na ang nagmamando dito.

ACIRC

ANG

ITO

LOOB

MAHIGPIT

MGA

MISTULANG

NAKAILANG

NEW BILIBID PRISON

NGA

OPLAN GALUGAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with