^

Punto Mo

Operasyon ng Grabcar at Uber taxi, tigil muna

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pansamantalang ipinahinto ng Quezon City court ang department order ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at memorandum order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mabigyan ng permit ang aplikasyon ng Grabcar at Uber Taxi na makapag- operate sa loob ng 20 araw.

Noong isang linggo nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) si QC- RTC branch  217 Judge Santiago Arenas  ukol dito.

Kaugnay ito  sa isinampa namang petisyon ng transport group na Stop and Go Transport Coalition .

Sa ilalim ng petisyon, tinuligsa nga nila ang naturang department order na nagkakaloob ng provisional authority sa mga Transportation Network Company (TNC) o mga  sasakyan na namamasada sa pamamagitan ng on-line applications gamit ang internet.

Paliwanag ng transport group matagal na silang humihingi ng tulong sa DOTC at LTFRB na maaksiyunan ang kanilang request na ma-extend ang kanilang prangkisa pero tila tinulugan umano ang kanilang kahilingan sa kabila na dalawang taon silang naghintay. Wala umanong nangyari at sa kabila nito nagbigay ng pahintulot ang DOTC at LTFRB na makapasada ang Uber at Grabcar kahit wala namang franchise .

Mistulang hindi umano pinapansin ng ahensya ang maliliit na transport group at  parang may tinitingnan at pinapanigan.

Ang maliliit daw na operator at drivers hindi pinapakinggan pero ang mayayaman na  operator ng Uber at Grabcar napagbigyan na pumasada.

Dalawang araw ipinatigil ang operasyon  at itinakda ng korte ang preliminary injunction sa December 8, 2015 .

Ayon naman kay Atty Ariel Inton, boardmember ng LTFRB na nirerespeto ng ahensiya ang utos ng korte hinggil dito.

Nasa  7,000  Uber taxi na ang tumatakbo at may 11,000 private cars ang nagsipag aplay para dito. Ang Grabcar naman ay mga dati ng taxi units na may franchise  na sumailalim sa on line applications para makakuha ng pasahero sa pamamagitan ng internet.

May ilan na ring mga reklamo ang ilang mga pasahero ng Grabcar  at Uber taxi na ito na dininig mismo ng pamunuan ng LTFRB.

ANG

ANG GRABCAR

ATTY ARIEL INTON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

GRABCAR

JUDGE SANTIAGO ARENAS

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

NBSP

QUEZON CITY

STOP AND GO TRANSPORT COALITION

UBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with