^

Punto Mo

Mag-ingat sa pabango at scented candles

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

MARAMING bumibili ng scented candles bilang pang-regalo. Maganda itong dekorasyon at sa ibang tao ay nakaka-relax ang amoy. Kadalasan ay wala namang peligro ito sa kalusugan.

Ngunit, sa ibang tao naman, lalo na sa mga may allergy, may hika, may sakit sa baga o sakit sa puso, posibleng may epekto ito sa kalusugan.

Usok at amoy:

May 2 bagay tayong babantayan sa paggamit ng scented candles. Una, ang kemikal na ginagamit bilang pabango o fragrance ay posibleng magdulot ng allergy o hika sa tao. Ayon sa American Lung Association ng Minnesota, posibleng may kasamang toxins ang pabango tulad ng benzene at lead na masama sa kalusugan.

Pangalawa, bawal langhapin ang usok na maitim na nagmumula sa kandila (Soot sa Ingles). Ayon sa eksperto, maihahambing ang usok ng kandila sa usok ng sasakyan na puwedeng magdulot ng sakit sa baga, sakit sa puso at kanser.

Ang posibleng sintomas na mararamdaman sa paglanghap ng amoy at usok ng kandila ay ang pag-ubo, pagkahilo, pagsusuka, pangangati ng ilong at lalamunan.

Tips sa scented candles:

Sa mga gustong gumamit ng scented candles, sundin ang mga payong ito para mabawasan ang usok sa bahay:

1. Putulin ang tali o mitsa ng kandila para maliit lang ang apoy.

2. Huwag ilagay ang kandila sa mahangin na lugar. Mapapalakas lang ang apoy.

3. Ilayo ang kandila sa bata, hayop at mga bagay na puwedeng masunog.

4. Ayon sa eksperto, ang soy candles at beeswax candles ay mas ligtas.

Dagdag tips sa paglinis sa bahay:

Kung kayo ay naglilinis sa bahay o naglalabas ng mga dekorasyon, tandaan ang mga tips na ito:

1. Puwedeng magsuot ng face mask habang naglalabas ng lumang kagamitan.

2. Buksan ang bintana bago maglinis.

3. Gumamit ng basang trapo para kumapit ang alikabok.

4. Habang naglilinis, huwag ipahid ang iyong kamay sa ilong at mukha.

5. Mag-ingat sa mga electrical wires at ilaw at baka ito pagmulan ng sunog.

6. Maghugas maigi ng kamay pagkatapos maglinis.

7. Pagkatapos gamitin ang mga kagamitan sa bahay, ilagay ito sa isang karton para hindi magkaroon ng alikabok.

ALIGN

AMERICAN LUNG ASSOCIATION

ANG

AYON

BUKSAN

CANDLES

DAGDAG

GUMAMIT

LEFT

MGA

QUOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with