^

Punto Mo

‘Sobra naman, Rody!’

- Tony Calvento - Pang-masa

MATAPANG, brusko at may kamay na bakal para sugpuin ang kriminalidad sa bansa at pagtatanggalin ang mga korap na opisyal nito.

Ganito ang pinapangarap ng maraming Pilipino na mamuno sa bansa sa mga susunod na taon. Isa sa kanilang nakikitaan ng ganitong katangian ay itong si Mayor Rodrigo “Rody” Duterte.

Kumalat at napanood sa internet, nabasa rin sa mga dyaryo ang kanyang naging pahayag at pagmumura sa ating Santo Papa dahil natrapik siya at pinauuwi niya ito sa Roma, sa harap ng maraming tao.

Laking kalye, ito ang kanyang paliwanag kaya ganun ang kanyang paraan ng pagsasalita. Isa sa pinakabinatikos sa kanyang mga sinabi ay nang magsalita siya ng hindi maganda laban sa pinagpipitagang tao sa Simbahang Katoliko.

Nung bumisita daw si Pope Francis ay halos limang oras siyang naipit  sa trapik. Ikaw lang ba Rody ang natrapik nung mga panahong iyon?

Umalma ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos ang pagmumura ni Duterte laban kay Pope Francis nung dumating ang Santo Papa sa bansa dahil sa dami ng kalsadang isinara.

Sabi ng Presidente ng CBCP na si Archbishop Socrates Villegas nakakapangilabot na makapagsalita ka sa isang pinakamataas sa Simbahang Katoliko.

Iginagalang ng karamihan si Pope Francis at maging ang mga kababayan nating hindi Katoliko ay nagpapakita din ng paggalang sa kanya. Kung nagawa daw ni Duterte ang pambabastos at pagmumura sa Santo Papa, wala siyang magagawa kundi ang yumuko sa kahihiyan at labis na magdalamhati.

Nagbigay din ng payo si Archbishop Villegas sa mga boboto sa susunod na taon. Kung pipili lang din ng susunod na lider ng bansa dapat yung may ‘leadership by example’.

Korapsyon ang pinakamalaking problema ng bansa. Hindi lamang pagnanakaw sa kaban ng bayan na mas kilala natin.

Dagdag pa ni Archbishop Villegas ang pagpatay ay isang uri din ng korapsyon. Pati ang pakikiapid na sumisira sa isang pamilya at kabataan. Binibiktima nito ang mga taong mahihina. Ginagamit nila ang ibang tao para lang sa pansariling kasiyahan.

Maging si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz ay nagsabing delikadong maging pinuno ng bansa itong si Duterte dahil mas masahol pa daw ito sa diktador.

Hindi lang naman sa pagmura at pagbastos ni Duterte kay Pope Francis o ‘Papa Kiko’ ang pinag-usapan.

Maging ang kanyang pagmumura sa publiko na alam niyang maigi na may mga batang manonood at makikinig sa kanya. Hindi daw siya magandang ehemplo para sa kabataan.

Kung sa ganung paraan lumaki at namuhay si Duterte hindi masama kung magmura siya pero ang pambabastos sa Santo Papa ang pinaka ikinabahala ng karamihan.

Nagpakita ka man lang sana ng paggalang. Lahat ng gusto mong sabihin tungkol sa politika at sa iyong mga kalaban ay malaya kang magsalita. Pero ang pagsalitaan ng ganung bagay ang Santo Papa, ibang usapan na yan.

Ikaw mismo ang dumudugis sa sarili mong pangalan. Nakilala ka ng may kamay na bakal pero hindi mo dapat haluan ng isang pagkilalang bumabastos sa pinakamataas na lider ng isang Simbahan.

Sabi ni Rody ang trapik daw ang kanyang tinutukoy. Kaya? May mga video na magpapatunay nito at nagtawanan naman ang mga nakikinig sa iyo.

Sa huling ulat naman sabi niya na nung bata siya naabuso daw siya ng isang Pari, ang tanong ko naman bakit hindi ka lumipat ng relihiyon nung nangyari sa iyo ito?

Duterte para sa 2016, para sa akin lang, iba na lang!

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ALIGN

ANG

ARCHBISHOP VILLEGAS

DUTERTE

HINDI

LEFT

MGA

POPE FRANCIS

QUOT

SANTO PAPA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with