^

Punto Mo

Semen ng toro, sangkap sa hair products

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATAAS ang protein content ng semen o semilya ng toro kaya ito ang popular na sangkap sa anumang hair products. Ginagamit ang semen para maprotektahan ang buhok sa pagkatuyo o pagkasira. Dahil sa popularidad ng semen ng toro bilang sangkap sa hair products, tinatawag itong “Viagra ng buhok”.

Inihahalo ang semen sa katas ng halaman na tinatawag na Katera. Kapag naihalo na ang semen sa katas ng Katera,  imamasahe na ito sa buhok.

Ginagamit ito sa mga sikat na hair salon sa US at iba pang bansa sa Europa. Ang proseso ay inaabot ng 45 minuto at nagkakahalaga ng $90 hanggang $120.

Dinurog na Beetles sangkap sa lipstick at eye shadow

SA Central at South America ay may tinatawag na Cochineal Beetles (Dac­ty­lopius Coccus) na ang kinakain ay mga red cactus berries.

Tanging ang mga babaing Cochineal beetles lamang ang kumakain ng red cactus berries kaya ang mga ito ang hinuhuli para pisain o durugin. Kapag pinisa ang mga babaing beetles, lalabas ang kinaing cactus berries at dito nanggagaling ang powerful red dye na ginagamit sa lipstick.

Ayon sa report, ginagawa o ginagamit na mga dinurog na beetles daang taon na ang nakalilipas. Bukod sa lipstick, sangkap din ang dinurog na beetle sa mga pagkain gaya ng ice cream, candy, yogurt at beverages.

Ebak ng balyena, sangkap sa mga mamahaling pabango

ANG tae o ebak ng balyena ay tinatawag na Ambergris. Pero sa lahat nang dumi ito ang pinaka-expensive. Ang one pound ng Ambergris ay nagkakahalaga ng $10.000. Kaya ang tawag sa Ambergris ay “Gold of the Sea”.

Napakamahal ng Ambergris sapagkat ito ay mahalagang sangkap sa paggawa ng mga mamahaling pabango. Kakaiba umano ang scent ng Ambergris. Madaling makilala ang Ambergris sapagkat ito ay waxy at kulay dilaw.

Bukod sa sangkap sa pabango, puwede rin itong kainin.

ACIRC

ANG

BUKOD

COCHINEAL BEETLES

GINAGAMIT

GOLD OF THE SEA

ITO

KAPAG

KATERA

MGA

SANGKAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with