SOCO, isang dekada na!
Isang dekada na ang SOCO (Scene of the Crime Operatives). Ito ang nag-iisang forensic/ investigative documentary program na umeere sa ABS-CBN.
Tampok ngayong buwan ng Nobyembre ang serye ng mga krimeng nalutas ng forensic science tulad ng fingerprint, DNA o acid testing at iba pa.
Ilan na nga ba ang nairekord ng SOCO ang mga hayagang pag-amin ng mga suspect sa kinasasangkutang krimen “ law of the case” na nagiging admissible sa korte bilang ebidensya.
Halimbawa dito and Florentino rape slay sa Marikina taong 2000.
Ang pag-amin ng suspect ang nagsilbing basehan ng korte para mahatulan ang mga suspect.
Ang Kim Ojani case noon 2003. Rape slay case na naganap sa QC na sa pamamagitan ng fingerprint na nakuha sa dinaanang bintana ng suspect, kasama pa rito ang DNA na nakuha sa suspect na nagkunwari pang nag-uusyuso sa crime scene.
Si Pajero lady na si Maria Lourdes de Guzman noong 2004 na wanted sa serye ng theft and robbery sa Quezon City at Marikina.
Nagkunwang patay na si de Guzman sa isang umano’y aksidente sa kotse sa San Jose del Monte, Bulacan. Sa loob ng kotse ay nandon ang sunog na katawan, na kinilala ng kaank ni de Guzman na si Pajero lady.
Ilang buwan ang nakalipas, nairekord na naman ang serye ng robbery sa ilang subdivision. Sa mga isinagawang pagsisiyasat lumabas na buhay pa si Pajero lady dahil match ang mga nakuhang fingerprints sa nahuling suspect na si Josephine Garcia. Ibig sabihin iisa si de Guzman at si Garcia, at sya ay si Pajero lady.
Sa lahat ng ito ay nabuo at nakamit ng mga naging biktima ang hustisya.
Nagpapasalamat din tayo sa PNP Crime Lab at sa magagalingna imbestigador na nakakatuwang natin para sa ikakakamit ng hustisya , partikular na nga sa mga tinatawag nang ‘cold case’.
Muli po maraming salamat sa inyong walang sawang pagtutok at pagsuporta.
- Latest