^

Punto Mo

Metal na imbakan ng butil ginawang magandang tahanan ng isang arkitekto

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lumang silo o metal na imbakan ng mga butil ang ginawang magandang tahanan sa Phoenix, Arizona.

Kung titingnan ay wala nang pakinabang ang mga lumang silo na ginawa pa noong 1950’s pero nagawa itong modest na tahanan ng isang arkitekto at ginagamit nang tahanan ng kanyang pamilya.

Nagawa ng arkitektong si Christoph Kaizer na maging moderno komportableng tirahan ang 340-square-foot na cylindrical structure. Mayroon itong isang bedroom at kumpleto sa modernong gamit.

Binili ni Kaizer ang silo sa isang magsasaka sa Kansas. Ikinarga niya sa pickup truck at dinala sa Arizona. Nilinis na mabuti at nagsagawa ng mga pagsasaayos para maging kaaya-ayang tirahan. Pininturahan niya ng 10-inch (spray foam insulation) ang interior wall. Pininturahan din niya ng puti ang corrugated shell sheet para maprotektahan sa nagbabagang init ng araw.

Lalaki sa Michigan, hindi nakagawa ng basurasa loob ng dalawa at kalahating taon

ISANG eksperimento ang ginawa ni Darshan Karwat, kumukuha ng doctorate degree sa University of Michigan – sa loob ng dalawa at kalahating taon, wala siyang nalikhang basura.

Napabalita ang kaanyang pagkabasura free at marami ang nagtanong kung paano niya ito nagawa.

Ayon kay Karwat, binago niya ang kanyag lifestyle. Sa halip na maging magastos, naging matipid siya. Iniwasan niyang bumili ng pagkain sa mga fast food, hindi bumili ng bagong damit at maski toilet paper ay iniwasan niyang bumili.

At nagtagumpay siya sapagkat ang naging basura lamang niya sa loob ng dalawa at kalahating taon ay 6 libras katumbas iyon ng 0.4 percent ng 1,500 lbs. na basurang nagagawa ng isang American sa loob ng isang taon.

Si Karwat na nagmula sa India, ay sinabing ang kanyang inspirasyon para hindi makagawa ng basura ay ang mag-asawang British na hindi rin gumagawa ng basura. Sabi ni Karwat na hihigitan niya ang mag-asawa at nagawa nga niya.

Sabi pa niya, ang kanyang ekperimentio ay napapanahon dahil sa problemang may kaugnayan sa environment.

ANG

AYON

CHRISTOPH KAIZER

DARSHAN KARWAT

ISANG

KARWAT

NIYA

PININTURAHAN

SABI

SI KARWAT

UNIVERSITY OF MICHIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with