^

Punto Mo

‘Kaistupiduhan sa tanim-bala’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAPAKA-ISTUPIDO na sabihing sensationalized issue lang ng media ang ‘tanim-bala.’

Kung sinuman ang nagsabi nito, napaka-insensitibo, walang-pakialam, kapalmuks at manhid.

Para bang ayos lang na may mga nabiktima kasi kakaunti lang naman daw ang ratio kumpara sa milyones na gumagamit ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Basta ang mahalaga, ma-protektahan niya ang katarantaduhan ng mga tampururot sa airport. Andun ang kaniyang simpatya sa mga may paiyak-iyak pa at nagda-drama dahil naging pangit daw ang imahe nila.

Hindi ko alam kung talaga bang salat sa kaalaman itong personahe na ito, gustong manatili sa estadong istupido o talagang nagbubulag-bulagan lang.

Ang tanim-bala ay isang uring extortion o pangingikil kung maisasakatuparan ang krimen dahil nagbayad ang biktima sa kagustuhang huwag nang maabala pa.

Kapag hindi naman nagbayad ang nilaglagan o tinaniman ng bala dahil umalma at nanindigan, para sa mga dorobo sa airport isa pa rin itong accomplishment.

Dahil nakahuli sila, sila ang bida. Mabango sila. Ang mga uto-uto namang namumuno sa kanila, magbibigay ng parangal. Sa maikling salita, may reward system.

May makita mang bala o wala sa bagahe ng pasahero, parehong panalo, walang talo.

Sa isyung ito hindi na mahalaga ang ratio. Hindi na mahalaga kung tatlo o iilan lang ang mga  nabiktima ng “tanim-bala”.

Ang importante ‘yung mga taong naapektuhan at naging miserable ang buhay dahil sa modus na ayaw ikunsiderang scam ni Pangulong BS Aquino.

Kakaunti lang naman daw kasi ang nabiktima ng tanim-bala kumpara sa 34 milyones pasahero raw na gumagamit sa NAIA.

Palibhasa kasi pulitiko kaya masyadong sensitibo o conscious sa numero. Mawalang-galang lang sa mga kawani ng National Statistics Office (NSO) pero sana doon nalang siya nag-trabaho.

Sa Disyembre 8 nakatakdang ilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Nauna nang nagpasaring si PNoy. Pati yata NBI gusto rin niyang maglabas ng istupidong imbestigasyon at sabihing hindi scam ang nangyayaring terorismo sa NAIA.

‘Yan tuloy sa mga inisyal na imbestigasyon ng ahensya, anggulong pananabotahe daw sa administrasyon ang isa sa kanilang ikinukunsidera. Tsk…tsk!

Hello! Tanim-bala is a form of extortion. Stupid!!!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

BALA

LANG

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL STATISTICS OFFICE

NBSP

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SA DISYEMBRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with