^

Punto Mo

Media nasisi sa ‘tanim-bala’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Media ang sinisisi ni Pangulong Noynoy Aquino dahil raw sa pagse-sentionalized sa isyu ng ‘tanim-bala’ sa mga airports sa bansa.

Dahil sa ganitong mga pahayag, inulan ng batikos si PNoy lalu ng mga OFWs na madalas nga na nagiging biktima ng ‘tanim-bala’.

Bakit nga naman sisisihin ang media, eh may lumulutang na naging biktima.

Base sa statistics na tinanggap ni PNoy buhat sa airports authorities  nasa 1,200 lamang sa  34 na milyong travellers  kada taon ang nakakasuhan na may dala ng bala.

Sa bilang na ito, tatlo lang umano ang sinasabing nagkaroon umano ng kotongan.

Naghanap na naman daw nang masisi si PNoy na madalas naman umanong mangyari kapag may mga isyu sa kanyang gobyerno.

Kitang-kita raw na “out of the situation” ang Pangulo, kung hindi man eh mis-informed o kulang ang tinatanggap nitong impormasyon.

Kahit isa o dalawa lamang umano ang naganap na kaso ng ‘tanim-bala’, dapat eh hindi ito binabalewala kundi dapat pa nga ay  mabigyan ng masusing imbestigasyon at maagapan pang lumala.

Hindi naman kasi ang isyu ay ang bilang o ilan, kundi sa modus na naglalagay o nagbibilad sa bansa sa kahihiyan.

ACIRC

ANG

BAKIT

BALA

DAHIL

KAHIT

KITANG

MGA

NAGHANAP

NAMAN

PANGULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with