^

Punto Mo

Sayang na Pag-iibigan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KAIBIGAN ko sa kolehiyo si Melissa. Nagtatawagan pa rin kami sa telepono kahit kapwa na kami nakatapos at nagsisipagtrabaho na. Kapag walang pasok sa trabaho ay nagkikita kami at sabay na naglalakwatsa. Isang araw ay nabisto ng kanyang mga magulang na buntis siya. Galit na galit ang kanyang ina. Ang boyfriend ni Melissa ay binata, may magandang trabaho, pogi at handa siyang pakasalan anumang oras. Sa hindi maliwanag na dahilan, hindi pumayag ang ina na magpakasal ang dalawa kahit naipanganak na ang baby ni Melissa. Minsang pinuntahan siya ng nobyo sa bahay, hinabol ito nang taga ng kanyang nanay. Sabagay, noon pa man ay nahalata kong may pagkapilosopo ang ina ni Melissa. Para bang siya na lang palagi ang magaling. Nakakainis kausap.

Lingid sa ina ay lihim na nakikipagkita si Melissa sa boyfriend kaya muli itong nabuntis sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito ay nagpasiya si Melissa na sumama na sa boyfriend upang may makilalang ama ang kanyang mga anak. Sinabi niya ang plano sa ina ngunit binantaan siyang itatakwil. Pinanghinaan ng loob si Melissa. Malaki ang takot niya sa kanyang ina. Kaya pinili niyang manatili sa piling ng ina at nakipaghiwalay  sa kanyang boyfriend.

Minsan ay nagkita kami sa birthday party ng isa pa naming kaibigan. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon. Pinabayaan na niya ang sarili. Bungi-bungi ang kanyang ngipin.  Ipinagtapat nito sa akin na may diabetes siya. Malabo na ang kanyang mga mata. Patay na ang kanyang mga magulang. Nag-iisa lang siyang naninirahan sa kanilang bahay dahil nasa abroad na ang kanyang mga anak.  May isa siyang pamangkin na umaalalay sa kanya. Pinag-aaral niya ang pamangkin kapalit ng pag-aalaga sa kanya.

Bago kami maghiwalay ay niyakap ko si Melissa, sabay paalala na lagi siyang magpa-check-up sa doktor. Bistado kong may phobia siya sa ospital at doktor noong nasa kolehiyo kami. Nginitian lang ako, sabay bulong na natatakot siyang kumunsulta sa doktor dahil baka sabihing malapit na siyang mamatay. Naisip ko lang, kung may asawa siya, may magpapayo sa kanya na magpagamot. May  magbibigay sa kanya ng inspirasyon na magpalakas upang tumagal pa ang kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Kung sa akin nangyari ang karanasan ni Melissa noon, susuwayin ko ang aking ina at sasama ako sa lalaking mahal ko. Tutal, nagpabuntis na ako sa pangalawang pagkakataon, ngayon pa ba ako susuko? Mas mahalagang may makilalang ama ang aking mga anak.

Common sense din kung minsan ang kailangan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang judgement ng mga magulang. They are not perfect.  May kapalpakan din sila. Kung nanindigan lang sana ang aking kaibigan, maligaya sana siya ngayon.

vuukle comment

ANG

BISTADO

BUNGI

GALIT

IBANG

INA

KANYANG

MELISSA

MGA

SIYA

SIYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with