^

Punto Mo

CIDG office, nilusob ng CIDG!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAGBUKAS ng dalawang lamesang sugal na color games sa per­yahan ni alyas Toyang sa malapit sa public market ng Angono, Rizal. Dinudumog ang color games ng mga kabataan at hindi man lang sina-saway ng poste na si alyas Allan, na anak ni Toyang. Nagyayabang itong si Toyang na nakasuso ang puwesto n’ya si SPO4 Dominador Osias Jr., ang bagman ni Supt. Arthur Bisnar, ang hepe ng CIDG PRO4-A kaya’t hindi mahuli-huli ang kanyang lagayan. Punyeta! Kahit dalawang lamesa lang ‘yang color games ni Aleng Toyang, sugal pa din yan!

Kung hindi man malusob ng mga bataan ni Bisnar ang pasugalan ni Aleng Toyang, ang opisina naman ng CIDG Rizal ay ni-raid nila ng nakaraang linggo. Tuwang-tuwa ang mga bataan ni Bisnar at may trabaho sila at hindi sila nagsuspetsa ng dumating sila sa opisina ng CIDG Rizal sa akalang dadaan lang sila. Subalit nagulat ang mga operatiba ng CIDG, kasama ang taga PDEA, nang mismong ang opisina pala ng CIDG Rizal ang pakay nila. Sinira ng mga raiders ang lahat ng locker at naghanap ng ebidensiya subalit BOKYA sila. Parang “dog eat dog” na ang nangyayari dito sa CIDG sa liderato ni Dir. Victor Deona ah? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kung sabagay, hindi na bago itong raid sa mga CIDG office dahil mismong si Dir. Benjie Magalong ay nag-raid din noon ng opisina ng CIDG sa Pampanga at madaming nahakot na ebidensiya. Kaya lang, naabsuwelto din sa korte si Maj. Bien Reydado na nagpapahinga na sa ngayon sa probinsiya sa takot na habulin siya ni Magalong. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Ang dahilan pala ni Bisnar kung bakit ni-raid n’ya ang CIDG Rizal office ay dahil sa report na naging sentro ito ng illegal drug operation ng isang alyas Bong, na pinabulaanan naman ni Maj. William Santos, ang hepe ng CIDG provincial office. Sinabi ng mga kosa ko na nang magtanong si Santos kung ano ang kasalanan n’ya, ang sagot ni Bisnar ay sa Ombudsman na lang sila mag-usap. Kahit walang nakuhang ebidensiya sa opisina n’ya tulad ng droga at iba pa, ora-oradang ni-relieve ni Bisnar si Santos, na tuliro pa sa ngayon bunga sa sinapit n’ya. At tulad ni Reydado, giba na ang kinabukasan ni Santos sa ginawang raid ni Bisnar at panahon na lang ang makakapagsabi kung makabawi pa s’ya. Punyeta! Dapat lang sigurong imbestigahan ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez itong raid na isinagawa ni Bisnar para hindi na maulit pa. Get’s n’yo mga kosa? Tumpak!

Naging topic ko kasi itong si Bisnar at kasamang si Supt. Glen Dumlao ng ilang ulit dito sa SUPALPAL bunga sa reklamo ng mga junior officers ng PNP na nahakbangan nila sa promotions. Sina Bisnar kasi at Dumlao ay nagtago ng halos sampung taon sa US at bumalik sa Pinas matapos ang sigulong kinasangkutan nila. At sa maikling panahon ay naupo sila sa mga juicy positions na hindi sinang-ayunan ng mga junior officers. Bilang hepe ng PRO4-A, halos aabot sa P400,000 ang weekly payola ni Bisnar sa mga gambling lords sa Calabarzon area, di ba SPO4 Jun Osias Sir? Si Dumlao naman ay nandun din sa Motor Vehicle Clearance Office (MVCO) ng HPG na masabing me kita din, ayon sa mga junior officers. Halos isang taon pa lang na-promote bilang Supt. itong si Bisnar at ‘ika nga ay hindi pa puwedeng i-promote sa Sr. Supt. dahil wala pa sa timing grade o tatlong taon sa huli niyang promotion habang si Dumlao ay nagre-reconstruct pa ng papeles na nawala noong panahon ni GMA. Hehehe! Good Luck na lang dito kina Bisnar at Dumlao, di ba mga kosa! Tumpak!

Sa totoo lang, nag-ugat ang raid sa CIDG office sa hinala ni Bisnar na ang mistah n’ya na si Sr. Supt. Rolly Anduyan, ang chief of directorial staff ng NPD, ang nasa likod ng mga lumabas sa Supalpal. Itong sina Santos at alyas Bong kasi ay malapit kay Anduyan kaya’t nag-scenario si Bisnar at nagtagumpay naman s’ya. Punyeta! Multi-awarded na opisyal itong si Bisnar, na baron ng PMA Class ’90, subalit tsismis pa lang eh lundag kaagad ang puwetan n’ya. Dapat siguro magsalamin muna itong si Bisnar, dahil nakikita n’ya ang diperensiya ng iba, maliban na lang sa diperensiya n’ya. Ilan pa kayang inosenteng pulis ang matigbak ni Bisnar bunga sa kanyang malakas na hinala? Punyeta! Napa-praning na kaya itong si Bisnar? Ano sa tingin mo kosang Eric Dastas? Abangan!

ACIRC

ALENG TOYANG

ANG

BISNAR

CIDG

DUMLAO

ITONG

LANG

MGA

PUNYETA

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with