^

Punto Mo

Sir Juan (38)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“DUN tayo sa coffee shop sa kanto, Gringo,” yaya ni Nectar.

“Halika, tamang-tama marami akong pera ngayon. Ililibre kita, Nectar Baby.’’

“Akong maglilibre sa’yo dahil ako ang may kaila-ngan.’’

“Hindi ako papayag.’’

“Halika na nga.’’

Tinungo nila ang coffee shop. Kakaunti ang kumakain. Sa isang upuan na nasa sulok sila pumuwesto. Kumuha ng order si Gringo sa counter. Pagkatapos ay bumalik ito at atat na tinanong si Nectar kung ano ang kailangan at kinausap siya.

“Simple lang naman, Gringo ang hihilingin ko. Madali lang.’’

“Ano ba yun?’’

“Mayroon akong pakukunan ng picture sa’yo.’’

“Aba tamang-tama, Nectar Baby. Photography ang hobby ko ngayon at pawang mga modelo ang target ko. Medyo sanay nang pumitik ang daliri ko. Ikaw nga gusto kong kunan nang naka…’’

“Two piece?’’

“Hindi! Nakahubad.’’

“Loko ka ha.’’

“Hindi nga. Ang ganda mong subject, Baby. Kakaiba ang beauty mo.’’

“Huwag mo nga akong bolahin at baka maniwala ako.’’

“Okey sige, saka na natin pag-usapan ang tungkol sa beauty, etong kukunan ko ang pag-usapan natin. Sino ba ‘yun?’’

“Babae. Dancer sa isang KTV.”

“Dancer sa KTV? Paano siya kukunan, Nec?”

“Kukunan mo habang nagsasayaw nang hubad.’’

“Oops medyo delikado yata yan, Nec? Bawal kumuha sa loob ng KTV.’’

“E di simplehan mo lang. Kahit cell phone lang ang gamitin mo.’’

“Ah okey. Sige, sino ba itong subject ko?’’

“Mahinhin ang pangalan.’’

“Anong name ng KTV?’’

“Kolehiyala.’’

“Teka parang nakita ko na’yang KTV na ‘yan.’’

“Malapit lang sa aming boarding house. Ituturo ko sa’yo kapag plantasado na.’’

“Sige. Akong bahala. Ibigay mo sa akin ang picture para madali kong makilala.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKONG

ANG

ANO

ANONG

BAWAL

HALIKA

HUWAG

NEC

NECTAR BABY

SIGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with