^

Punto Mo

Mga kuwentong hayop

- Arnel Medina - Pang-masa

Usa, bumangga sa windshield ng kotse bumagsak sa back seat, pero ang drayber hindi nasaktan

HINDI pa rin makapaniwala ang drayber na si Christopher Coleman ng Frisco, Texas nang habang nagmamaneho siya sa Dallas ay isang usa ang biglang bumangga sa kanyang sasakyan at sumalpok sa windshield at saka bumagsak sa hulihang upuan.

Pero ang labis na nakapagtataka, hindi man lamang nagalusan at nasaktan si Coleman. Isang himala umano ang pagkakaligtas niya. Pero hindi nakaligtas ang usa. Namatay ito sa lakas ng pagsalpok sa windshield.

Ayon kay Coleman, nangyari ang aksidente sa Sam Rayburn Tollway sa Plano. Nakita raw niya ang usa sa gilid ng highway hanggang magulat na lang siya nang makarinig ng bang at nakita niyang basag ang windshield at kasunod ay ang pagbagsak ng usa sa likod na upuan.

Natulala raw si Coleman sa pangyayari, Hindi siya makapaniwala na nakaligtas siya sa freak accident.

Dalawang zebra, nakatakas sa circus, nagwala sa kalsada at nagdulot ng trapik

DALAWANG mag-asawang zebra ang nakatakas sa isang circus sa Philadelphia at nagwala sa kalsada. Walang tigil sa pagtakbo ang mga zebra at nagdulot iyon nang grabeng trapik sa lugar. Maraming tao ang nakiusyuso sa nagwawalang mga zebra.

Sabi ng mga pulis, ang mga zebra ay pag-aari ng UniverSoul Circus. Nakatakas umano ang mga ito dakong alas dos ng hapon. Sabi ng tagapagsalita ng circus, sandali lang naman daw nakatakas ang mga zebra at nahuli rin kaagad ang mga ito. Wala naman daw nasugatan sa pangyayari.

Marami sa mga nakasaksi ang agad kinunan ng picture ang mga nagwawalang zebra at pinost sa Facebook at Twitter.

Sabi ng tagapamahala ng circus, sisikapin na raw nilang huwag makatakas ang mga zebra.

vuukle comment

ALIGN

ANG

CHRISTOPHER COLEMAN

COLEMAN

LEFT

MGA

PERO

QUOT

SABI

SAM RAYBURN TOLLWAY

ZEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with