^

Punto Mo

Sapot ng Gagamba

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG World War II, isang US marine ang napahiwalay sa kanyang unit at tuluyang naligaw sa isang isla. Hinahabol sila ng mga kalaban. Sa ibang direksiyon siya napatakbo. Namataan niya ang isang kuweba at doon nagtago. Habang nagtatago ay naisip niyang mas malaki ang tsansang mahuli siya sa loob ng kuweba. Natataranta kasi siya kaya hindi siya nakapag-isip nang tama. Pero huli na para lumabas at tumakbo palayo.

Lumaki siya sa relihiyosong pamilya. Sikat na pastor kasi ang kanyang ama sa Alabama. Habang papalapit na nang papalapit ang yabag ng mga kalaban ay nagdasal siya sa Diyos na sana’y hindi siya makita ng mga kalaban.

Habang nagdadasal siya, napansin niyang may isang gagamba na gumagawa ng sapot sa entrance ng kuweba. Sa isang saglit lang ay makapal na  sapot nalikha nito at tumakip sa entrance ng kuweba. Tamang-tama naman dumaan na ang mga kalaban. Papasok sana ang isa ngunit hindi tumuloy.

Kahit hindi niya maintindihan ang wika ng kalaban, sa gesture nito sa kasamahan ay nahulaan niyang ang buong sapot ng gagamba ay palatandaan na walang taong pumasok sa kuweba. Sira dapat ang sapot kung may taong pumasok dito.

Napaiyak sa tuwa ang US marine. God is genius. Ginamit niya ang gagamba at sapot nito para hindi siya makita ng kalaban.

Faith is to believe what you do not see; the reward of this faith is to see what you believe.—Saint Augustine

ANG

DIYOS

GINAMIT

HABANG

HINAHABOL

KAHIT

KALABAN

LUMAKI

SAINT AUGUSTINE

SIYA

WORLD WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with