^

Punto Mo

Sir Juan (32)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MATAPOS makunan ng picture si Mahinhin habang pumapasok sa KOLEHIYALA, nag-isip si Nectar kung papasok pa siya sa loob para makita ang aktuwal na ginagawa ni Mahinhin. Kung makukunan niya ng picture si Mahinhin habang nagsasayaw ito nang hubad sa stage, napakatibay ng ebidensiya na maihaharap kay Sir Juan. At kapag nakita iyon ni Sir Juan, talsik na sa boarding house si Mahinhin. Sino ba ang matutuwa na ang isa sa mga boarder niya ay nagsasayaw nang walang saplot? At malay pa ba nila kung “nagpapagamit” si Mahinhin sa mga customer. Ang pagkaalam ni Nectar, front ng prostitution ang mga KTV bars at iba pang club.

Pero nagbantulot si Nectar kung papasok sa KOLEHIYALA. Naisip niya: Hindi kaya siya magmukhang tanga sa loob. Baka may makakita sa kanya ay kung ano ang isipin sa kanya. Bakit siya naroon sa loob at nanonood ng live show. Baka isiping tibo siya.

Umatras si Nectar. Saka na lang siya papasok sa loob at kukunan si Mahinhin. Meron na naman siyang ebidensiya laban dito. Puwede na niya itong ipakita kay Sir Juan. Ito ang magpapatunay na hindi sa pabrika nagtatrabaho si Mahinhin kundi sa isang club na nagpapalabas ng malaswa. Patunay lamang ito na nagsisinungaling si Mahinhin sa uri ng kanyang trabaho. At sinabi pang isa siyang bookkeeper. Shit!

Pinag-isipan ni Nectar kung paano maipakikita kay Sir Juan ang mga nakuha niyang picture kay Mahinhin. Tingnan lang niya kung hindi lumaki ang mga mata ni Sir Juan kapag nalaman ang lihim ni Mahinhin. Mas maganda nga sana kung hubo’t hubad na nagsasayaw si Mahinhin sa stage ang makikita ni Sir Juan.

Maghihintay siya ng pagkaka-taon para makunan nang hubad si Mahinhin.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG

BAKIT

ITO

ITUTULOY

JUAN

KUNG

MAGHIHINTAY

MAHINHIN

MERON

NAISIP

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with