^

Punto Mo

Mga sakit sa biyaheng Mars

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MARAMING sakit ang kakaharapin ng sinumang tao na susuong sa napakahabang biyahe patungo sa Mars, ayon na rin sa inspector general office ng National Aeronautics and Space Administration ng United States.  Kabilang umano ito sa dapat pag-aralang mabuti ng NASA para mapangalagaan ang kalusugan ng mga astronaut na magtutungo sa Mars na tinatayang isasagawa sa 2030. Ang tinutukoy dito ay ang mga peligrong pangkalusugang mararanasan ng isang tao  o astronaut habang nakasakay siya sa isang spacecraft at lumilipad sa pusod ng kalawakan.

Kabilang sa mga panganib sa kalusugan na mararanasan sa biyaheng Mars ang radiation sa kalawakan na nakakapagdulot ng sakit na kanser, pagkapinsala ng Central Nervous System, cataract o pagkabaog, at matagal na pagkawala ng timbang dahil sa kawalan ng gravity na nagpapahina sa mga buto, kalamnan ng katawan at paningin. Bukod pa rito ang  extreme isolation na maaaring magdulot ng problemang sikolohikal. Nariyan din ang limitadong suplay ng gamot at pagkain habang nasa biyahe na maaaring magbunga ng malnutrition sa isang tao.

Pero optimistiko ang NASA na malulutas nito ang naturang mga problema pagdating ng taong 2030.

Gaano nga ba katagal ang biyahe patungo sa planetang Mars na tinatayang may layong 55 milyong kilometro mula sa daigdig?

Ayon sa isang article sa Universe Today, tatagal nang mula 150 hanggang 300 araw ang biyahe patungo sa Mars depende sa bilis ng isang spacecraft,  alignment nito sa daigdig at sa dami ng langis na ginagamit ng sasakyan. Tumatagal ang biyahe dahil parehong umiinog sa paligid ng araw ang daigdig at Mars. Kaya dapat umanong nakatutok ang spacecraft sa direksiyong tinutungo ng Mars dahil nga sa mga paggalaw nito.

ANG

AYON

BUKOD

CENTRAL NERVOUS SYSTEM

GAANO

KABILANG

KAYA

MARS

NATIONAL AERONAUTICS AND SPACE ADMINISTRATION

UNITED STATES

UNIVERSE TODAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with