^

Punto Mo

‘Akyat-bahay’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA mga uuwi ng probinsya ngayong long weekend. Mag-ingat sa mga akyat-bahay.

 Sa mga nakaalis na sa Metro Manila, nagbibiyahe pa lang o ‘di naman kaya paalis palang ng bahay, may tips ang BITAG sa inyo.

 Huwag iiwan ang inyong mga bahay ng walang nagbabantay. Napakahalaga ng mayroong tao sa bahay lalo na kung mahaba-haba ang inyong bakasyon.

 Sa mga maiiwan naman sa bahay maging ‘lerto at ‘listo sa lahat ng oras. Hindi garantiya na kapag nasa loob ng mga magagarang subdibisyon ligtas na kayo sa mga akyat-bahay at masasamang-loob.

 Doble ingat dahil alam ng mga kawatang nagma­manman ang kanilang loloobin at titirahin.

 Sa gabi, mabuting magbukas ng ilaw sa labas ng bahay at bahagyang buksan din ang ilaw sa loob.

 Kung kinakailangan, magpatugtog ng radyo para alam ng mga dumadaan at iisipin nilang may naiwang residente.

 Sakali namang wala talagang maiiwan at uuwi lahat sa probinsya, mabuting ibilin ang inyong bahay sa pinagkakatiwalaang kapitbahay pero isipin din na hindi nila ito mababantayan sa lahat ng pagkakataon. 

Ipakisuyo na tanggalin ang mga delivery ng dyaryo at walisan ang inyong bakuran lalo na kung kayo ay magtatagal ng ilang araw upang hindi mapaghahalataang walang tao.

 Ngayong long weekend, para makaiwas sa iba’t ibang uring modus at hindi mabiktima ng mga demonyo sa lupa, mag-log on sa bitagtheoriginal.com click “BITAG Safety Center.”

 Mag-ingat, mag-ingat!

• • • • • •

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

 

 

ABANGAN

ACIRC

ANG

BAHAY

CENT

HUWAG

METRO MANILA

MGA

NBSP

SAFETY CENTER

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with