^

Punto Mo

Mga gurong mapanghusga

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NARITO ang ilang sikat na personalidad na bago nakarating sa pinakarurok ng tagumpay ay nilait-lait muna ng kanilang guro:

• Si Albert Einstein ay pinatalsik sa kanyang school, Zurich Polytechnic School dahil sinabi ng kanyang titser na siya ay “mentally slow” at wala nang pag-asang matuto.

• Si Ludwig van Beethoven,  ang sikat na German composer at pianist, ay sinabihan ng kanyang supladang titser na “hopeless composer”.

• Si Enrico Caruso, ang Italian tenor na sumikat noong early 1900s, ay sinabihan ng titser na hindi maganda ang boses at walang pag-asang maging mang-aawit.

• Si Auguste Rodin, ang magaling na French sculptor na lumikha ng The Thinker ay sinabihan ng kanyang titser na “worst pupil in this school”. Ang masakit sinabihan din siya ng kanyang ama na “My idiot son”.

• Leo Tolstoy na itinuturing na isa sa greatest Russian writers of all time  at awtor ng War and Peace ay ilang beses bumagsak sa kolehiyo at sinabihan ng kanyang propesor na “both unable and unwilling to learn”.

• Si Peter J. Daniels ay sinabihan ng kanyang fourth grade teacher na si Mrs. Phillips ng “you are no good, you’re a bad apple and you’re never going to amount to anything”. Ngayon ay kilala siyang Australian professional speaker, awtor siya ng 13 books, isa na ang librong may pamagat na : Mrs. Phillips, You Were Wrong!

Walang nakakaalam kung ano talaga ang kakayahan ng isang tao kundi ang mismong  may katawan. Paalaala sa mga gurong mahilig manlait, mag-ingat kayo sa pagta-tag at pagka-categorize ng mga estudyante n’yo. You might be teaching a future president!

ACIRC

ANG

KANYANG

LEO TOLSTOY

MRS. PHILLIPS

SI ALBERT EINSTEIN

SI AUGUSTE RODIN

SI ENRICO CARUSO

SI LUDWIG

SI PETER J

WAR AND PEACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with