10 Palatandaan na Tumatanda ka na……at nagiging “annoying” na sa kapamilyang kasama sa bahay
1. Bigla ka na lang nakakatulog nang mahimbing habang nanonood ng TV…at nakanganga pa habang humihilik. O, kaya, tuloy-tuloy ang daldal ng iyong kausap pero sleeping beauty ka na pala.
2. Kung anu-anong “nangyayari” sa mukha—freckles, warts, pigmentation. Kahit pa sabihing super care ka sa iyong kutis noong iyong kabataan. Tutubuan ka ng mga nabanggit sa ayaw mo at sa gusto. Hindi pa kasama dito ang wrinkles.
3. Puyat man o maagang natulog, maaga pa rin nagigising.
4. Ala-singko pa lang ng hapon ay type mo nang maghapunan. Mahina nang magtrabaho ang digestive system kaya mainam nga naman na kumain ng maaga para tunaw na ang kinain bago matulog.
5. Madali ka nang mapagod, mabilis maasar o kaunting sikat lang ng araw ay parang init na init ka na.
6. Super palautos ka na.
7. Ang tawag sa iyong Miss or Ate ng mga estranghero ay napalitan na ng Manang, Ale at Nanay kahit hindi sure kung totoong nanay ka na.
8. Natataypan mo nang kumain ng mga gulay at ibang healthy foods samantalang isinusuka mo ang mga ito noong kabataan mo.
9. Laging may nagmamano sa iyo. At parang naiinsulto ka kapag hindi nag-po sa iyo ang isang kausap na bata.
10. Nagiging mapaghinala sa kapamilya tungkol sa pera. Akala’y lagi siyang kinukupitan. Kaya kung may iniutos siya na may kinalaman sa cash, kailangan ang detalyado at “marubdob” na paliwanagan kung saan-saan ginamit ang cash na ibinigay o ipinamahala.
- Latest