^

Punto Mo

EDITORYAL - Malaking bonuses at allowances ng GOCCs

Pang-masa

INATASAN na ng Commission on Audit ang 28 government-owned and controlled corporations (GOCCs) na ibalik ang P626 milyon na bonuses, allowances at incentives  na ipinamudmod sa kanila noong 2014 sapagkat labag ito sa batas. Karamihan sa GOCCs na nakatanggap ng bonuses ay local water districts. Ang Bangko Sentral,  isa sa GOCCs  ang may pinakamalaking na­tanggap na umaabot sa P30.1 milyon. Sumunod na GOCCs na malaki ang natanggap ay ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na umaabot sa P213.84 milyon.

Sa susunod na buwan ay panahon na naman ng bigayan ng bonus at maaaring makatanggap muli ang GOCCs. Maaaring malaki muli ang matanggap ng mga opisyal at empleado ng GOCCs kaya masaya na naman ang kanilang Pasko. Habang ang ibang mga manggagawa ay halos maglumuhod sa employer para bigyan ng bonus, ang mga opisyal naman sa GOCCs ay halos mamutok ang bulsa dahil sa dami ng natatanggap na biyaya. At isipin na lamang na karamihan sa GOCCs ay hindi naman lubusang nakatutulong sa pamahalaan at bagkus ay pabigat pa. Isang taon na ang nakararaan, sinabi ni President Noynoy Aquino na maraming GOCCs na walang silbi ang bubuwagin na. Hanggang sa kasalukuyan ang mga hindi produktibong GOCCs ay pasanin pa rin at patuloy na pinasusuweldo ang mga opisyal at empleado nito.

Ang COA na ang nagsabi na dapat isauli ng GOCCs ang natanggap na bonuses at allowances sapagkat labag ito sa batas. Kung ito ang nararapat, dapat sumunod ang GOCCs lalo ang mga walang paki­nabang. Nararapat namang malaman ng taumbayan kung paano ang sistema ng pagbibigay ng bonus sa GOCCs. Nakalulula ang milyones na ipinagkakaloob sa GOCCs habang marami ang kakarampot at ni hindi makasapat sa pang-Noche Buena. 

 

ACIRC

ANG

ANG BANGKO SENTRAL

GOCCS

HABANG

HANGGANG

ISANG

KARAMIHAN

NOCHE BUENA

PHILIPPINE ECONOMIC ZONE AUTHORITY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with