^

Punto Mo

Ang reputasyon ni Col. Calanoga!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Bago na ang kompanyang humahawak ng gun safety seminar (GSS), ang isa sa mga requirements para sa License To Own and Possess Firearms (LTOPF) sa Camp Crame. Maaring marami ang natuwa sa mga gun holders dahil nabawasan na ang requirements sa LTOPF subalit nag-aalboroto naman sila dahil mula P350 ay naging P500 na ang bayad sa GSS. Hindi lang ‘yan! May bayad na ang kada putok ng baril sa GSS na P20 kada bala na dati libre lang. At ang ginagamit pa ay ang firing range ng PNP sa Camp Crame. Kaya naman tinanggal sa dating kompanya ang GSS dahil kaibigan umano ang may-ari nito ni resigned PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima. Punyeta! Kanino naman kaya nakasandal ang may-ari ng bagong kompanya na nakakupo ng GSS ng LTOPF?

* * *

Kung sa pelikulang Heneral Luna, pinapili ni Gen. Juan Luna ang mga kasamahan niya nang “Bayan o Sarili”, itong si Marikina police chief Sr. Supt. Vincent Calanoga ay tungkol naman sa “Reputasyon o Pera.” Si Gen. Luna ay pinili ang bayan kaya’t hayun, inambus siya at naging hero pa ng himagsikan. Si Calanoga naman ay pinili ang reputasyon at sa tingin ng mga kosa ko, hindi s’ya lalabas na hero sa mata ng mga kasamahan n’ya. Ang tinutukoy kasi ng mga kosa ko ay ang peryahan ni Mrs. Roa sa Bgy. Parang kung saan ang go signal na lang ni Calanoga ang hinihintay para mabuksan ito. Subalit imbes na tanggapin ang libong pitsa na ini-offer sa kanya, pinili ni Calanoga ang reputasyon n’ya. Punyeta! Naiiba talaga si Calanoga, na sa biglang tingin, ay dapat magsilbing magandang halimbawa sa hanay ng PNP natin.

Sa totoo lang, noong Setyembre pa dapat bukas ang peryahan ni Mrs. Roa sa Bgy. Parang subalit mabagal kumilos ang bata n’yang si Adrian para kausapin ang lahat nang operating units ng PNP na payagan sila. Sinabi ng mga kosa ko, na nitong nagdaang mga araw, naayos ni Adrian ang CIDG, NCRPO, IG, GAB. NBI, OIS at SPA ng DILG, ang City Hall at ang barangay at pati na ang taga-media, at ang opisina na lang ni Calanoga ang hindi pa. Kaya sa ngayon, nganga silang lahat dahil sa reputasyon ni Calanoga. Punyeta! Mukhang maaga pa para palakpakan natin si hepe ah! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na ang mga pinalitan ni Calanoga ay kumikita mula P70,000 hanggang P100,000 mula sa peryahan sa Bgy. Parang kada linggo at kasama na rito ang para sa mga opisyal ng iba’t ibang unit ng Marikina police. Maliban pa ito sa grease money ni Mrs. Roa. At dito rin sa peryahan kinukuha ng mga dating hepe ang gastusin sa Christmas party nila, tulad ng cash at gifts, na pa-raffle nila. Kung buwenasin ang mga pulis, me litson baka pa sila. Ang saya ano? Subalit dahil sarado ang peryahan ni Mrs. Roa, magmumuni-muni o magtinginan na lang ang mga pulis sa Marikina sa darating na Christmas party nila? Hehehe! Tanong lang po, Mayor Del de Guzman Sir!

Subalit kung talagang inaalagaan ni Calanoga ang reputasyon n’ya, dapat sigurong patigilin na n’ya si alyas Django sa pag-iikot sa mga pasugalan at beerhouse dyan sa Marikina. Kasi nga kung apektado ang reputasyon ni Calanoga sa peryahan, sa pasugalan ba at bold shows hindi ito apektado? Sa tingin kasi ng mga kosa ko, parehas lang na marumi ang pera galing sa peryahan at yaong sa pasugalan at bold shows. Get’s mo EPD director Chief Supt. Elmer Jamias Sir? Kaya sa ngayon, gulung-gulo ang isipan ng mga kosa ko kung dapat bang bigyan ng parangal nina PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez at NCRPO chief Dir. Joel Pagdilao si Calanoga dahil sa pagdepensa n’ya ng reputasyon n’ya? Pero sa tingin ko naman, dapat suportahan si Calanoga, na miyembro ng PNPA Class ’91, dahil sa s’ya lang ang police official na tumayo laban sa sugal na drop ball at color games na dala ng peryahan. Dapat dumami pa ang lahi ni Calanoga. Abangan!

ACIRC

ANG

BGY

CALANOGA

CAMP CRAME

KAYA

LANG

MGA

MRS. ROA

PERYAHAN

PUNYETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with