^

Punto Mo

Sir Juan (25)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NARARAMDAMAN ni Nectar na parang malapit si Sir Juan kay Mahinhin. Napapansin niya na lagi itong pinupuri kesyo isang working student. Nabanggit pa ni Sir Juan na ulila na raw si Mahinhin at mag-isa nitong itinataguyod ang sarili. Para bang ang tingin ni Sir Juan kay Mahinhin ay isang kapuri-puring babae. Para bang si Mahinhin na lamang ang ma­aaring makagawa na habang nagtatrabaho ay nakakapag-aral din. Shit! Humanda ka Mahinhin!

Kung hindi siya nakita ni Sir Juan, maaaring nasundan na niya si Mahinhin noong isang gabi. Masyado na siyang naiintriga kung bakit sa gabi nagtatrabaho si Mahinhin. Suspetsa niya, kakaiba ang trabaho ni Mahinhin. Duda siya sa babaing iyon. Kapag napatunayan niya na tama ang kanyang kutob, mapapatalsik siya sa boarding house na ito. Biglang-bigla ay magbabago ang pagtingin sa kanya ni Sir Juan. Kung gaano siya kalakas kay Sir Juan ay baka big­lang bagsak ang pagkatao niya. Mapapahiya si Sir Juan, ha-ha-ha!

Muling ikinasa ni Nectar ang pagsubaybay kay Mahinhin. Muli niyang aabangan ang pagpasok nito sa trabaho. Umaalis ito ng dakong alas sais ng gabi. Kailangang malaman na niya kung saan ito nagtatrabaho.

Kinabukasan, matiyagang nag-abang si Nectar sa pag-alis ni Mahinhin. Eksaktong 6:00 ng gabi, nakita niyang lumabas na ito sa kuwarto. Naka-hapit na jeans at shirt. Bagong paligo. Parang nagmamadali sa paglalakad si Mahinhin. Mukhang may appointment.

Sinundan ni Nectar.

Nakarating sila sa mataong lugar. Mukhang nilala­kad lang ang patungo sa pinagtatrabahuhan nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIGLANG

DUDA

EKSAKTONG

HUMANDA

JUAN

MAHINHIN

MUKHANG

SIR

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with