^

Punto Mo

‘Mahiwagang Bala’

- Tony Calvento - Pang-masa

KABI-KABILANG kaso ng ‘Tanim Bala’ sa NAIA ang umingay sa mga balita. Nung una ayaw naming makialam at magbigay ng komento sa isyung ito dahil lumalabas na modus ito ng mga opisyales sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang araw umabot ng limang tao ang kanilang kinasuhan sa pagdadala ng bala. Isang bala sa bagahe na wala namang baril na kasama.

Marami nang nakisawsaw at tumutulong sa pagsugpo sa nasabing modus. Maging si PNoy ay pinaiimbestigahan ito.

Nagsari-sariling diskarte ang mga pasahero. Binalot ng husto ang kanilang mga bagahe at nilagyan ng lock.

May isang 65 taong gulang na ginang na selyado ang kanyang shoulder bag pero ng idaan sa x-ray machine ay may nakitang bala. Sabi niya nabiktima daw siya ng modus ng airport.

Ayon naman sa Airport Office kalimitan na daw idinadahilan ng mga pasahero ‘tanim bala’ kapag may nakikita sa kanilang bagahe. Ginagamit kasi ito ng ilan bilang anting-anting o souvenir o di naman panlaban sa mga masasamang espiritu.

Ang mga nahuli ay kinasuhan ng ‘Illegal possession of ammunition, a violation of the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa huling balita tila nag-iba ang ihip ng hangin ng meron mga umamin na tatlong pasahero na sila mismo ang may bitbit ng bala.  Hindi lahat ay biktima ng Tanim Bala.

Sa isang panayam sa media may nagsalita tungkol sa modus na ito na tumagal na daw ng dalawampung taon at ngayon lang lumabas dahil sa mga umaalmang pasahero.

Kalimitan daw kasi ay nagpapaareglo ang mga tao para huwag ng dumaan sa mas malaking abala.

Ang Aviation  Security Group (Avsegroup) ng Philippine National Police sa pamamagitan ng kanilang ‘Spokesperson’ na si  P/Supt. Jeanne Panisan ay nagsabi na imposible ang inaakusa sa kanila dahil tanging ang pasahero lang ang pwedeng humawak ng kanilang mga bag.

Maliban na lang daw kung magbabayad sila ng mga porter na magbibitbit nito.

Sa lumalaki at umiingay na isyu naging basehan ito kung bakit naghain ng panukala si Congresswoman Leni Robredo ang House Bill 6245.

Kailangan na itong aksiyonan dahil naaapektuhan na ang pagdagsa ng turista sa ating bansa. Sa NAIA sila dumadaan at nagdadalawang isip na tuloy kung ligtas ba sila sa sinasabing laglag bala scam.

May nabanggit ang Airport Office na sa dami ng kanilang trabaho hinaharap ay imposibleng magtanim pa sila ng bala.

Iresponsableng pahayag ito para sa kaso dahil ang taong gustong kumita ng pera gagawin ang lahat kumita lang.

Ngayon nagsangay ang kwento. Modus ba ito o talagang Gawain ng iba hindi naman para manakit ng iba o gumawa ng gulo kundi ilayo sila sa anumang sakuna.

Ang paniniwalang ito ba ay sinamantala ng mga ‘airport officials’ para makapanikil o lehitimong nakita ba ito sa gamit ng mga pasahero,

Isa lang masasabi ko. Sakaling may dala ngang bala ang pasahero, ito ba ang panganib sa ibang pasehero o sa eroplanong sakay sila?

Kung kakasuhan gawin na. Huwag ng haluan ng pangingikil para hindi pagdudahan ng sambayanang Pilipino.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

AIRPORT OFFICE

ALIGN

ANG

BALA

ITO

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

TANIM BALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with