^

Punto Mo

PNP sa Butuan na-Wow Mali!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Namataan sa Camp Crame noong Lunes si Anthony Chong, ang itinuturong nasa likod nang nagkalat na imported na paputok galing China sa mga bangketa sa Divisoria. Dumalaw si Chong sa isang mataas na police official, na ayon sa mga kosa ko, ay binitbit din s’ya at ipinakilala kay PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez. Ang pag-courtesy call kaya ni Chong sa police general at kay Marquez ay hudyat sa mga PNP operating unit, tulad ng CIDG, IG, at NCRPO at MPD, na hindi dapat galawin ang mga epektos n’ya sa Divisoria? Kasi nga ang mga kontrabando ni Chong ay mismong mga pulis ang nagbebenta, di ba PO3 Maniquez Sir? Punyeta! Malapit na talaga ang Pasko!

-oooooo-

Na-Wow Mali ang mga pulis sa Butuan City noong Oct. 23 na hanggang sa ngayon ay kumikiliti pa sa kosa kong si Jaime Laude ng Phil. Star at Lt. Col. Harold Cabunoc, ang hepe ng public affairs ng AFP. Ganito kasi ang kuwento mga kosa! Tumulak kasi sina Laude at Cabunoc sa Butuan City sa araw na ‘yaon para saksihan ang pag-transfer ng labi ni Loreto Mayor Dario Otaza at anak na si Daryl sa kanilang hometown. Itong mga Otaza ay kinidnap at nilikida ng mga NPA at tulad ng Lumad tradition, tatlong araw silang ibinurol. Sa airport pa lang sa Pasay City, namataan na ng dalawa si Dir. Benjie Magalong, ang hepe ng DIDM ng PNP, na nakasibilyan subalit hindi nila napansin na kasama pala nito si PNP chief Dir. Gen. Ric Marquez. Sa pag-landing ng eroplano ng Cebu Pacific sa Butuan ng mga bandang 8:00 ng umaga, isinuot ni Laude ang kanyang trademark na sombrero at kasama si Cabunoc na bumaba sila. Pagdating nila sa tarmac, sinalubong sina Laude at Cabunoc ng tatlong unipormadong pulis, na ang ranggo ay sr. supt., supt., at chief insp., at sinaluduhan sila. Ang buong akala ni Cabunoc ay siya ang sinasaluduhan kaya’t gumanti rin siya ng saludo. Maya maya pa, may kumukuha na ng dalang bag ni Laude na ipinagtataka naman n’ya. Nahinto lang ang paghila ng bag ni Laude nang may nagsabing police official na, “Hindi ‘yan!” Bumitaw ang mga pulis kina Laude at Cabunoc at dumiretso sa likod ng eroplano kung saan sina Marquez at Magalong ay bumababa. Hehehe! Napagkamalan ng mga pulis si Laude na si Marquez samantalang ang able-bodied na si Cabunoc ay kanyang escort. Punyeta! Hindi kilala ng mga pulis ang hepe nila? Ano sa tingin mo Sr. Supt. Leo Francisco, ng Caraga PNP?

Natuloy naman sa lakad nitong sina Cabunoc at Laude at sa mga briefings ng mga military officials nabatid nila na parang may plano ang grupo ni Jorge Madlos, alyas Ka Oris, ang chieftain at spokesman ng NPA sa Northern Mindanao, na kontrolin ang political landscape sa Caraga region, lalo na ang probinsiya ng Agusan. Ang pagkidnap at paglikida kay Otaza at anak n’ya ay parang mensahe ng mga NPA sa mga pulitiko, lalo na sa negosyanteng mayoral candidate ng Butuan City, na dapat yumuko sila sa mga alituntunin nila.

Ayon pa sa mga military officials, puwede namang likidahin si Otaza sa bayan n’yang Loreto subalit sa Butuan City s’ya kinidnap at pinaslang bilang banta sa mayoral candidate na “Wag s’yang umatras sa laban.” Noong Enero pa kasi kinukumbinsi ng mga tropa ni Madlos si mayoral candidate na tumakbo subalit nitong mga huling araw ay medyo nagdalawang-isip na ito at hindi na sinisipot ang mga miting na ang mga NPA ang tumawag. Hehehe! Mukhang nasa kamay na ng mga rebeldeng NPA ang mga residente ng ilang lugar ng Caraga at ang mga PNP at AFP na lang ang pumipigil para magkaroon sila ng sariling gobyerno doon. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Punyeta! Dapat sigurong palakasin ng PNP at military ang kanilang civil-military operations nila sa Caraga para mabawi ang simpatya ng mga residente sa NPA!

Kung sabagay, malakas talaga ang propaganda campaign ng mga komunista, kasama ang kanilang NGO allies at supporters, at nakarating na sila sa Metro Manila, di ba mga kosa? Abangan!

ACIRC

ANG

BUTUAN CITY

CABUNOC

CARAGA

CHONG

LAUDE

MARQUEZ

MGA

OTAZA

PUNYETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with