^

Punto Mo

Pamahiin sa panahon ng eleksiyon

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

DALAWANG beses nang tumakbo sa student council ang aking pamangkin na nasa elementarya noon pero laging talo. Sa pangatlong pagkakataon, naroon na ang gigil na manalo. Nabalitaan ng nanay ko ang pinoproblema ng apo. Tinawagan ang mahal na apo at nag-usap. May alam si Nanay na sekreto para manalo. Ginagawa raw iyon ng aking mga kamag-anak na  pulitiko, at totoong nananalo sila sa posisyong kanilang tinatakbuhan. Walang mintis.

Sa araw ng eleksiyon, bago sumikat ang araw at sarado pa ang simbahan ay nasa may pintuan na ang aking kapatid at pamangkin. Iyon ang sekreto. Sila dapat ang pinakaunang tao na makakapasok sa simbahan. Mananalangin sila at makikinig ng misa.

Kinahapunan, sumisigaw sa tuwa ang aking pamangkin nang umuwi sa kanilang bahay. Siya ang hinirang na bagong Presidente ng kanilang student council. Agad na tinawagan ang kanyang lola at nagpasalamat. Pero nagwika si Nanay:

“Nagkakatotoo lang ang pamahiin kung walang dayaang mangyayari.”

Ang isang kamag-anak na pulitiko ay natalo kahit pa ginawa ang pamahiin dahil isang malawakang pandaraya ang nangyari noong 80s election sa aming bayan. Zero vote ang nakuha niya sa aming barangay. Ang naging biruan namin—nangyari iyon dahil ang pangalan ng kalaban ang aming naisulat sa balota.

vuukle comment

ANG

GINAGAWA

IYON

KINAHAPUNAN

MANANALANGIN

NABALITAAN

NAGKAKATOTOO

NANAY

PERO

SILA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with