^

Punto Mo

‘Ikaw ba ‘yun?’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG babae na nasa edad 60 ay nawalan ng malay dahil inatake siya ng alta presyon. Ang kaluluwa niya ay humiwalay sa kanyang katawan at sa isang iglap ay nasa harapan na ng Diyos.

“Lord! Patay na po ba ako?”

“Hindi pa. Mayroon ka pang 30 taon, 3 buwan at 15 araw na ilalagi sa mundo. Nagkamali ang Anghel na Tagasundo.  Sige bumalik ka na sa iyong katawan.”

Ang babae ay nabuhay at inilabas na sa ospital. Nagpalakas lang siya ng isang taon at saka isinagawa ang kanyang planong beautification project: lipo suction sa kanyang bilbil, nagpa-botox, nagpaturok ng glutathione para pumuti ang kanyang balat na kayumangging kaligatan, nagpa-noselift at nagpalaki ng boobs.

Hanggang ngayon ay bitter pa rin siya sa pambababae ng kanyang asawa na naging daan upang tuluyan siyang hiwalayan ng kanyang asawa. Ang pagpapaganda ay paraan niya upang mabuong muli ang kanyang pagkatao na nadurog noong iwanan siya ng asawa.

Sa wakas ay natapos ang kanyang beautification project. Talagang nilasap niya ang kaligayahang dulot ng kanyang pagpapaganda. Muling bumalik ang tiwala niya sa sarili at nagkaroon siya ng mga manliligaw. Isang gabing nagmamaneho mula sa party, siya ay bumangga sa pader at kaagad namatay.

Humarap siyang muli sa Diyos. “Lord don’t tell me, nagkamali na naman ang iyong tagasundo”.

“Totoong patay ka na”

“Whattt? Di po ba sabi mo sa akin, 30 years pa akong mabubuhay? Two years pa lang ang nakakaraan simula nang tayo ay magkaharap”

“Ikaw ba ‘yun?” Saglit na nag-isip ang Diyos. “Sorry, hindi kita nakilala.”

There is no cosmetic for beauty like happiness. -Maria Mitchel

ACIRC

ANG

ANGHEL

DIYOS

HANGGANG

HUMARAP

IKAW

ISANG

KANYANG

MARIA MITCHEL

MAYROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with