^

Punto Mo

Reporter na walang modo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG reporter na kilala sa pagiging antipatika ang humingi ng appointment sa ina ng kakapanalo pa lang noon na si President Jimmy Carter. Hindi lang iyon ang unang beses na makakaharap ni Mrs. Lilian Carter ang antipatikang reporter. Ilang beses na itong nakasalamuha ng mabait na ina ng Presidente at ilang beses din niyang nasaksihan ang kabastusan nito sa mga taong iniinterbyu. Magkaganoon pa man ay pumayag si Mrs. Carter na magpa-interview upang maging patas ang treatment niya sa lahat ng taga-media.

Panimulang tanong ng reporter kay Mrs. Lilian Carter:

“Noong nangangampanya pa lang ang inyong anak ay  sinabi niya sa mga botante, na huwag siyang iboto kung mababalitaan nilang siya ay nagsinungaling. Nang marinig ko ang mga bagay na ito, naibulong ko: Hay, heto na naman ang isang pulitikong bolero. Bilang ina, do you think laging  nagsasabi ng totoo ang iyong anak?”

Una pa lang katanungan ay napipikon na si Mrs. Carter. Magkaganoon pa man ay pinilit niyang maging gracious.

“Well, nagsasabi siya ng white lies paminsan-minsan lalo na noong bata pa siya.”

Napaismid ang reporter. “White lies? Please define white lies.”

“Wala akong specific  definition  ngunit mabibigyan kita ng halimbawa. Naalaala mo pa ba nang dumating ka kanina dito sa bahay ko? Sinabi ko sa iyong nagagalak akong makita ka and I told you how good you looked.”

ACIRC

ANG

BILANG

ILANG

MAGKAGANOON

MRS. CARTER

MRS. LILIAN CARTER

NAALAALA

NANG

NAPAISMID

PRESIDENT JIMMY CARTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with