^

Punto Mo

‘Huling kanta ni Rod’

- Tony Calvento - Pang-masa

KABABALAGHAN maraming nakakaramdam at nakakakita ngunit ilan lang ang naniniwala. Kapag ikinuwento mo kalimitan napagkakamalan kang may sira sa pag-iisip.

Humihingi ng tulong at may taong itinuturong salarin ang kanyang ina. Nung simula hindi niya pa gaanong maintindihan ngunit habang paulit-ulit itong nagpapakita lumilinaw sa kanyang isipan ang gusto nitong iparating.

“Hindi man maniwala ang ibang tao pero sa ganitong paraan namin nahanap ang kanyang katawan. Lahat ng sinabi niya sa panaginip yun ang sinunod namin,” sabi ni Marites.

Pinalitan namin ang kanilang mga pangalan para protektahan ang pamilyang ayaw ng ungkatin pa ang pangyayaring ito sa kanilang buhay.

Ilang araw nang nawawala ang ina ni Marites na si Aileen. Hindi nila alam kung saan ito nagpunta dahil ang huling usapan lang nila ay may kaibigan itong kakausapin.

Mula nun lagi nang napapanaginipan ni Marites ang ina. Malawak ang lupa sa likuran at malaki ang bahay at ilang milya pa ang layo mula sa katabing bahay.

“Inisip ko kung saan yun dahil malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman yun sa pagkawala ni mama. Naisip ko yung bahay ng lola ko sa Antipolo. Walang nakatira dun. Binibisita lang namin paminsan-minsan,” sabi ni Marites.

Sa panaginip niya nakaupo ang ina sa likod bahay. Pinilit niyang maniwala sa kanya ang ama na si Jose. Nung una nagdalawang isip ito pero sa kagustuhang mahanap ang asawa pinagbigyan nito ang anak.

Nagsama sila ng ilang taong maghuhukay sa likuran ng bahay. Pagdating nila dun napansin nila kaagad ang malambot na lupa na parang kakatambak lang. Yun ang pinuntirya ng dala nilang mga tao.

“Kinakabahan kami nun. Mag-aapat na araw na ding nawawala si mama at hindi namin alam kung saan kami maghahanap. Nagpablotter na kami sa istasyon ng pulis at nagpakalat ng mga litrato niya wala pa din kaming impormasyong nakakalap,” kwento ni Marites.

Nang unti-unting mahukay ang isang katawan tumawag na sila ng pulis para maimbestigahan.

Isinailalim sa pagsusuri ang katawan at nang makuha nila ang resulta napag-alaman nilang ginahasa ito bago sinaksak ng ilang beses.

Hinanap nila kung sino ang huling nakasama ni Aileen. Halos lahat ng mga kaibigan nito napagtanungan nila pero walang makapagsabi kung sino.

“Napanaginipan ko siya ulit at dun ko lang naalala ang pangalang binabanggit niya. Rod daw, yun ang paulit-ulit niyang sinasabi,” pahayag ni Marites.

Kinausap ni Marites ang ama tungkol sa kaibigan ng ina na nagngangalang Rod. Alam nito kung saan nakatira.

Nagpunta sila sa pulis para ipaalam na ang suspek nila sa pagkakapatay sa kanyang ina ay si Rod. Wala silang ibang mapagbasehan kundi ang panaginip lang ni Marites.

“Anong ebidensiya ang nagtuturo sa kanya sa krimen?” tanong ng pulis.

Wala maibigay sina Marites kaya hindi rumesponde para imbitahan sa presinto si Rod.

Ang mag-ama na mismo ang nag-imbestiga tungkol dito kay Rod. Wala na itong asawa at nag-iisa lang sa buhay. Tuwing sisilip sina Marites sa bahay nito nakikita nila si Rod sa veranda na tumutugtog ng kanyang gitara.

“Gusto namin siyang maparusahan pero wala kaming matibay na ebidensiya. Ang iniisip ko hindi magpaparamdam ang mama ko ng ganun lang ng walang dahilan. Kung ang paghanap sa bangkay ipinarating niya sa panaginip,” pahayag ni Marites.

Pagbalik nila isang araw sa bahay ni Rod maraming tao na ang nag-aasikaso sa bahay nito. Lumapit si Marites sa isang kapitbahay at nagtanong kung anong nangyari.

“Kagabi napansin ko na may kausap siya. Parang may anino akong nakita. Kinabukasan nakita na lang namin siyang nakahiga sa may balkonahe. Hinala namin nadulas siya.”

Ang ipinagtataka ng kanyang mga kapitbahay kung nadulas ito dapat ay pati ang gitara nito na nakapatong sa upuan kung nasaan ang kanyang paa. Yun na din ang gabi na huli nilang narinig na kumanta si Rod.

Sa ngayon palaisipan kung paano namatay si Rod. Sina Marites naman tuluyan nang napanghinaan ng loob kung paano mareresolba ang pagkamatay ng ina.

Hindi na nagpakita sa kanyang panaginip ang ina kaya mas lalo silang nahihirapan.

Hindi lahat naniniwala sa mga ganitong uri ng kwento ng pagpaparamdam. Kung hindi nila iniisip na may sira ka sa pag-iisip baka sabihin nilang halusinasyon lang yan pero iba ang sagot ng mga taong naranasan ng magparamdam ang mga mahal nila sa buhay.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ACIRC

AILEEN

ANG

HINDI

KUNG

LANG

MARITES

MGA

NILA

STRONG

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with