^

Punto Mo

Mag-asawang espanyol, 45 taon na solong nanirahan sa isang abandonadong village

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ANG mag-asawang Martin at Sinforosa Colomer lamang ang tanging nanirahan sa La Estrella, isang abandonadong village sa Spain. At tumagal sila roon ng 45 taon kahit silang dalawa lamang!

Bukod sa mag-asawa, ang tangi nilang kasama ay tatlong aso, apat na inahing manok, isang tandang, 25 pusa, at ilang bubuyog.

Ang pinakamalapit na bayan sa kanilang village ay may layong 25 kilometro.

Walang kuryente sa village. Walang komunikasyon. Wala silang kontak sa ibang tao kaya hindi nila alam ang nangyayari sa labas ng kanilang tinitirahang village.

Ang La Estrella ay dating buhay na buhay na komunidad noon. Dito ay may mahigit 100 tao na naninirahan, may simbahan, dalawang school at ilang bars. Ayon sa mga sinaunang kuwento, ang La Estrella umano ay ginawa o binuo para lamang sa mga kabit o kalaguyo ng mayayamang lalaki.

Noong 1883, isang malakas na bagyo ang tumama sa Las Estrella at kalahati ng mga taong naninirahan ay namatay. Winasak ang may 17 bahay at tanging ang simbahan lamang ang nanatiling nakatayo.

Mula noon, unti-unti nang nag-alisan ang mga tao. Hanggang ang mag-asawang Martin at Sinforosa Colomer na lamang ang natira.

Japanese na mahilig sa noodle, nakatikim na ng 5,600 types ng ramen sa loob ng 20 taon

MAHILIG sa noodle si Toshio Yamamoto, 55. Sa pagkahilig niya sa noodle, nakatikim na siya ng 5,600 uri ng noodle sa may 40 bansa. Ganun pa man patuloy pa rin siyang naghahanap ng perpek­tong noodle. Gusto niyang madiskubre ang pinaka-masarap na ramen.

Kapag nakatikim  siya ng bagong ramen, agad niya itong binibigyan ng score rating sa scale na “1” hanggang “5”.  Ang pinakamataas na rating na kanyang naibibigay pa lamang ay “4”.

Sa kanyang i-ramen.net, inilahad ni Yamamoto ang mga inpormasyon sa 5,600 varieties ng noodles na kanyang natikman. Nakasaad doon ang bansang pinagmulan ng ramen, cooking time, sodium content, calories, texture, at flavor.

ACIRC

ANG

ANG LA ESTRELLA

AYON

BUKOD

DITO

LA ESTRELLA

LAS ESTRELLA

SINFOROSA COLOMER

TOSHIO YAMAMOTO

WALANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with