Kautusan ni Sec. Sarmiento nilangaw!
NOONG isang linggo, nagdadakdak si DILG Sec. Mel Senen Sarmiento na ipahuli n’ya ang alyas Baby na umano’y gumagamit ng pangalan n’ya para ikolekta sa jueteng at iba pang ilegal subalit nilangaw ang kautusan n’ya. Nagngingitngit kasi si Sarmiento ng iniutos noong nakaraang linggo kay PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez na hulihin si Baby subalit walang gumalaw sa kapulisan para sundin ang kautusan n’ya. Isang linggo lang ang galit ni Sarmiento? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Samantalang alam naman ng lahat sa PNP, maging nang mga players, na nasa tabi-tabi lang ang ipinahuhuli ni Sarmiento kaya’t madaling matigbak, di ba mga kosa? At me nabalitaan ba kayong nang-raid ang PNP ng jueteng matapos magalit si Sarmiento? Tahimik na nga sa ngayon ang kapaligiran at ang jueteng at iba pang sugal ay lalong yumabong. Walang gustong kumilos, hindi lang sa kapulisan, kundi maging sa pulitiko bunga sa nalalapit na elections. San kukuha ng badyet ang mga pulitiko, lalo na taga-LP para ipamudmod sa mga botante? Eh di sa jueteng at sa iba pang sugal, di ba mga kosa? Punyeta! Puro laway lang pala itong lumabas sa bibig ni Sarmiento, no mga kosa? At tama ang hula ko na nag-utos lang siya sa hangin kung ang kautusan n’ya sa jueteng ang pag-uusapan. Tumpak!
Noong nakaraang linggo kasi, ibinulgar ko na walang susunod sa kautusan ni Sarmiento laban kay Baby at sa jueteng bunga sa patuloy din naman ang tong collection ng mga bataan ni Marquez na sina alyas Piskal at Lito Guerra alyas Bombay. Naging paksa din sa Supalpal ang P1.1 milyon bidding sa tong collection sa bakuran ni QCPD director Chief Supt. Edgardo Tinio. Na-post po natin sa Facebook ang naturang mga isyu at umani ito ng samu’t-saring tugon sa mga kosa ko. Ayon kay Felix Vargas: “Hangga’t nandiyan ‘yan (jueteng) hindi titino ang pulisya. Wala silang magagawa pag pinalarga ng mayor at barangay captain ang sugal. Me mga tropa nga dyan na nagsasabi na ang Baby ay sya pa ring bagman ng buong PNP e.” Sinabi naman ni Macon Ramos Araneta: “Ano ba ang bago d’yan? Ang kay Ric Reyes naman: “Kaya nga napaka suwerte ng pulis kapag naging kolektor. Sigurado damo salapi. Hehe. May koleksiyon na sa kaliwa, meron pa sa kanan at napo-promote pa. Hehe! Punyeta! Ang sama talaga ang imahe ng kapulisan natin dahil d’yan sa jueteng, di ba mga kosa?
Patungkol naman sa kautusan ni Sarmiento, ang komento ni Jose Loi Hipolito ay: “Nagtitinu-tinuan lang pala ang mga ‘yan. Sir Jerry Yap, matapang lang magsalita sa mga ilegal na aktibidades pag may camera at media, singaw din ang baho nila.” Ayon naman kay Krizzel Alcantara, malaki ang suweldo ng kapulisan natin kaya’t hindi na dapat sila umasa sa kaliwa’t-kanan na parating mula sa jueteng. Sana hindi totoo ang lumabas sa Supalpal, aniya. “Sna nmn po hnd totoo ito at patunayan sana ng ating mga opisyal na nka upo ngaun!!dahil isa po ako sa mga sumasaludo sa ating mga kapulisan!! dahil sa aking pag kakaalam sila ay isang tunay na bayani at sa lhat ng oras ay pwede mong hingian ng tulong dahil sila ay nagse2rbisyo ng totoo sa ating kapwa at ating bayan!!! ang ating mga kapulisan ay laging handang pumatay at mamatay para sa kapwa at hgit sa lhat sa ating bayan?! kaya hangad ko na sana kung totoo man itong naba2sa nmin ngaun sana lng po ay mag karoon ng tunay na pgbbgo sa ating mga pnp!!! God Bless to all!!! Dagdag pa ni Alcantara na sana ay hindi na madawit pa ang religion sa usapin tungkol sa promotion ng mga PNP officials.
Ayon naman kay kosang Jerry Yap: “Akala ko matinio…este matino ‘yan? Ito mga kosa at patungkol sa tong collection ni Gen. Tinio. Sinabi naman ni Jessie Laiz na: “Naging kolektor di aq nung panahon q, sagana s lahat magging milyunario k mahalin mo lng ang perang hawak mo, kaya kailangan me dibdib k, buo pagkatao mo at pang abono k.” Dagdag pa ni Laiz:” Kasama s trabaho yan, d n mbbago yan, kasama s kalakaram yan, yung ngang nasa taas, matindi p dyn ang ginagawa, d b?” Maaring suko na ang mga kosa ko, subalit sa tingin ko naman may pagbabago pa sa PNP natin sa hinaharap. Abangan!
- Latest