^

Punto Mo

Trapik sa Maynila, pasukin na rin ng HPG

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bagamat bahagyang nagkaroon  ng pagbabago sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA makaraang pangasiwaan ito ng PNP-Highway Patrol Group, ngayon  ang idinadaing naman ng maraming motorista ay ang matinding trapik sa iba pang pangunahin at secondary roads sa kalakhang Maynila.

Nito lamang nakalipas na linggo, grabe ang trapik na naranasan lalu na sa lungsod ng Maynila.

Ayon nga sa maraming motorista, parang  hindi na umano pinapan­sin ng pamahalaang lungsod ang matinding problema sa trapik dto.

Parang wala na raw pakialam ang mga kinauukulan kahit na lalo pang tumindi ang trapik.

Ang nakapagtataka, tila wala namang dahilan para mag-trapik sa ilang lugar, bagamat sa ilang bahagi naman talagang ang nagpapatindi ng trapik eh ang sabay-sabay na hukay at gawaan sa mga lansangan.

Grabe talaga ang sa Maynila. Kung sa lungsod ng Quezon may mga ganito ring konstruksyon sa lansangan na bagamat natatrapik din,  eh hindi naman  katindi ng trapik na nararanasan sa lungsod ng Maynila.

Kasi sa Quezon City,  kung saan may mga hukay, masusumpungan mo naman  ang maraming tauhan ng DPOS na nangangasiwa sa trapik. Bumagal man ang daloy eh, hindi naman nagtatagal.

Sa Maynila,   dati eh umayos na nang bahagya ang trapik dito, pero ngayon bumalik ang kalbaryo at hindi lang yan  lalu pang tumindi.

Itong Welcome Rotonda sa boundary ng Quezon City at Maynila, dito makikita ang mala-king pagkakaiba.

Ang bahagi ng Maynila dito, talagang gapang na ang sasakyan sa magkabilang bahagi.

Ang kabuuan ng España, na hindi mo malaman kung nabago ba ang settings ng mga stop light na dati eh synchronize, ngayon iba-iba kaya ang resulta,  haba ng trapik.

Ang trapik na ito sa Espana,  ang dulo na nito sa pag-akyat ng Quiapo na wala namang dahilan kaya mabagal ang daloy, liban sa mga jeep na nakahambalang sa kalsada, idagdag pa ang nagbalikan na namang naka-park na mga sasakyan na hindi na nabantayan.

Uulit na naman ang trapik pagbaba ng Quezon bridge hanggang Luneta na yan.

Pagliko ng Roxas Boulevard nandyan na ang pila ng mga truck.

Hindi lang dyan kahit pa sa Nagtahan Bridge ka dadaan, bago marating ang Sta Mesa, naku po, kalbaryo talaga.

Kung meron mang nangangasiwa, nagkukumpulan sa kung saan may traffic light, pero ang ilang sangay na daan, aba’y bahala na ang motorista.

Yung daan sa likod ng Post Office, aba’y tila napabayaan na lamang, sayang sana kasi pwedeng doon mag-divert ang ilang sasakyan patungo ng Port Area at Intramuros.

Hindi malaman kung bakit nagkaganon ang daan don napuno ng tubig at ang lugar ayun, tambayan na lang  ng  mga palaboy karamihan pa mga kawatan.

Kabi-kabila rin ang illegal parking, ang siste ang maraming kalsada dito, sinisingilan ng parking fee kuntodo tiket pa.

Kaya nga ang giit ng marami , baka kailangan na ring pasukin ng HPG ang pagmamnando sa trapik dito, baka sakaling mawasto.

ANG

HIGHWAY PATROL GROUP

HINDI

ITONG WELCOME ROTONDA

MAYNILA

MGA

NAGTAHAN BRIDGE

NBSP

PORT AREA

QUEZON CITY

TRAPIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with