^

Punto Mo

Alagaan ang tainga

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

“HUWAG maglagay ng kahit anong bagay sa iyong tainga.” Ito ang pangunahing payo ng mga doktor. Huwag maglagay ng cotton buds o toothpick sa loob ng iyong tainga. Kung gustong maglinis ng tainga, hanggang bimpo lang ang puwedeng gamitin.

Anong gagawin sa tutuli?

May 2 klase ng tutuli ang tao. Ang una ay iyung tuyo at maputing tutuli. Ang pangalawa ay iyung basa at madilaw na tutuli.

Ang trabaho ng tutuli ay para protektahan ang ating eardrum sa dumi. Hinaharang ng tutuli ang mga duming pumasok sa ating tainga, at unti-unti itong lalabas ng kusa sa tainga. Dahil dito, hindi naman talaga kailangan nang maglinis ng tainga.

Kung mangyari na bumara ang iyong tutuli, medyo mabibingi ka. Huwag gumamit ng cotton buds at baka lalong pumasok ang tutuli sa loob ng tainga. Ang delikado pa dito ay baka mabutas mo ang iyong ear drum. Tandaan: Ang butas na ear drum ay maaaring hindi na maghilom. Mabibingi at magkakaluga pa ang iyong tainga.

Paano ginagamot ang baradong tutuli?

Una sa lahat, kumonsulta sa isang ENT (Ear, Nose and Throat) specialist.

1. Puwedeng magpatak ng mineral oil o baby oil sa apektadong tainga. Kung may pera, puwedeng bumili ng Docusate sodium ear drops na pinapatak sa tainga. (Tandaan: Huwag gawin ito kung may tsansa na butas ang iyong eardrum.)

2. Humiga sa iyong tagiliran ng 20 minutos para manuot ang likido sa tumigas na tutuli.

3. Gawin ito 2 beses sa maghapon hanggang 3 araw.  Antayin na matanggal ang tutuli ng kusa.

Dagdag payo para maprotektahan ang tainga:

1. Hinaan ang volume ng iPod, radyo o stereo.

2. Huwag lumapit sa speaker sa concert.

3. Takpan ang tainga kung maingay ang lugar.

4. Huwag maligo sa dagat at maduming swimming pool.

5. Bimpo lang ang puwedeng panlinis ng tainga.

ANG

ANONG

ANTAYIN

BIMPO

DAGDAG

HUWAG

IYONG

NOSE AND THROAT

TAINGA

TANDAAN

TUTULI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with