‘DUI sa Pinas, hilaw!’
MARAMING butas ang butas-butas na batas hinggil sa paghuli ng mga susuray-suray na motorista.
Ito ‘yung bagong batas palang sa Pilipinas na Anti-Drunk and Drugged Driving Act na nananatiling‘experimental´
Sinusubukang ipatupad ng Land Transportation Office (LTO) sa lansangan partikular sa Metro Manila na kung tutuusin walang kapangyarihang mag-aresto.
Hindi tulad sa mga mauunlad na bansa tulad ng Estados Unidos, pulis ang mga nagpapatupad ng batas na ito.
Bawat makitang lasing at lango sa ilegal na droga, hindi pinapalagpas. Agarang isinasailalim sa mga proseso na kabahagi ng pag-iimbestiga.
Isa sa mga standard operating procedure (SOP) ang tinatawag na field sobriety test o FST. Kinapapalooban ito ng eye contact test, one-leg stand at walk and turn bago isalang sa breath analyzer test para matukoy ang alcohol content sa kaniyang hininga.
Kapag mayroong nalaktawan o nakalimutang proseso ang patrol officer na pumara sa lasing na motorista malaki ang posibilidad na mababasura ang kaso laban sa motoristang DUI.
Nitong mga nakaraang araw naging viral sa social media ang umano’y nagwawalang lasing na si John Apacible, basketball player ng isang prestihiyosong unibersidad.
Ang problema noong nangyari ang insidente, walang mga taga-LTO na nagbabantay sa lansangan na sila sana ang unang humuli at nagpara sa umano’y lasing na dryaber matapos makita ang inasal.
Milya-milya ang layo ng pagpapatupad ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act sa bansang Amerika at Pilipinas.
Ito sana ang isa sa mga matutukan ng mga bahag ang buntot na mambabatas para mapatibay ang paghuli sa mga lumalabag sa batas sa lansangan.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest